Janus, may death threat dahil sa mga nilantad kay Gerald?!
May pa-death threat na kay Janus del Prado dahil sa mga post niya sa Instagram na hindi man banggitin ang pangalan, obvious na si Gerald Anderson ang tinutukoy. Sa magkasunod na posts ni Janus, binanggit na nagpakawala ng troll ang kung sinuman ang pinatutungkulan niya ng kanyang post.
Ang sagot ni Janus, “Pakawala ka pa baka sakaling tuluyan ko ng matapos tong tsaa na hawak ko. Nasa isang drum din to. #sorrynotsorry.” Na ang gustong sabihin, may alam siyang sikreto and any moment, he will spill the tea na ang ibig naman sabihin ay isisiwalat niya ang alam na sikreto.
Palaban ang sunod na post ni Janus na ang sabi, “Inaatake na ako ng mga paid trolls nila G&J pero kahit kelan naman wala ako sinabi masama kay J. Sabihan niyo kasi yung pavictim niyong master na wag manipulahin yung mga tao sa paligid niya at pag away awayin para lang mapagtakpan yung milagro na ginawa nila ni P sa set ng MPY. Pinagtanggol pa naman namin lahat siya kay B. Muntikan pa tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa FO na eh. Buti naisalba pa. Nyeta ka #aynapost.”
Ang kasunod noon, pinost ni Janus ang death threat sa kanya na ang sabi, “Malapit kana ma Tokhang Magpakabait kana Buang!” Ang sagot ni Janus, “May pa death threat na galing sa kampo nila. Haha! Eto bang mga artistang may ganitong mga fans ang dapat nakikita sa tv at binibigyan ng endorsements. Oh well. I guess kung ano yung idol ganun din ang fans. Hintayin ko yang tokhang mo ah. Baka tokwa lang yan.”
Seryoso man o hindi ang death threat, may nagpayo pa rin kay Janus na kapag hindi tumigil, ipa-NBI na niya.
Mga celeb na LGBTQIA+, natuwa sa nangyari Kay Sen. Manny
May ilang members ng LGBTQIA+ na nasa showbiz ang natuwa na natalo si Sen. Manny Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas. May tumawag kay Manny na laos at matanda na, kaya kailangan na niyang tumigil sa pagboboksing.
May iba naman na mas sinuportahan si Ugas at kinongratulate ang pagkakapanalo nito. Ang iba, pinagkumpara ang GF ni Ugas at si Jinkee Pacquiao na in fairness naman, hindi magpapahuli sa ganda si Jinkee sa GF ni Ugas.
Masama ang loob ng LGBTQIA+ kay Manny dahil sa naging pahayag niya noong tungkol sa kanila. Nag-sorry si Manny sa mga nasaktan sa pahayag niya, pero hindi binawi ang kanyang mga sinabi, kaya hindi rin naalis ang galit sa kanya ng members ng LGBTQIA+.
Sid, wala nang lovelife
Wala na pala sina Sid Lucero at Annicka Dolonius dahil sa mediacon ng The World Between Us, nang tanungin sa kanyang lovelife, “sa inyo na ‘yan guys” ang unang sagot na ibig sabihin, ang kasama sa mediacon na sina Jasmine Curtis-Smith, Kelley Day, at Tom Rodriguez na ang sumagot.
Later on, sinagot din ni Sid ang tanong at ang sabi, “immediate family is better. We have more meals together and my heart is reserved for Halo Eve Eigenmann (his daughter.)” Nasa mom niya si Halo at online lang sila nagkikita ngayon lalo’t si Sid ang nagtu-tutor sa anak.
Anyway, Sid felt bad sa season break ng The World Between Us dahil na-in love siya sa show, pero wala silang choice. Pero, matutuwa ang aktor at ang buong cast, staff and crew dahil sa halip na sa September pa, sa end ng August na sila magre-resume ng taping. Dahil siguro sa nasa MECQ na ang NCR.
Three weeks pa lang napapanood si Sid sa teleserye bilang si Eric at galit na sa kanya ang viewers, lalo na ang fans ni Alden Richards.
Kahit magaling na aktor, nahihirapan umarte si Sid dahil sa pinaiiral na social distancing at nalilimitahan din ang bonding nila ng cast dahil pa rin doon. Nakakapag-usap lang daw sila in between takes, ‘pag nagba-blocking at minsan, kapag kumakain sila.
Kris at Mel, nag-monthsary na?
Muling pinadalhan si Kris Aquino ng bouquet of flowers ni Mr. Mel Sarmiento and this time, hindi lang flowers ang natanggap ni Kris dahil may kasamang maraming balloons ang bouquet of flowers.
Simple lang ang caption ni Kris na “to love and be loved” my wish for all of you... #lovelovelove.”
In fairness, wala pang nega comments nababasa, lahat positive at supportive kay Kris at wish ng kanyang followers, maging happy na ito. Ang sarap daw kasing makita na pumapag-ibig si Kris, magaan sa pakiramdam.
Sa ganda ng mga bulaklak at balloons, may nag-isip tuloy na baka monthsary nina Kris at Mr. Sarmiento.
- Latest