Onyok, gusto na uling maging komedyante
Umaasa si Onyok Velasco na muli siyang magiging aktibo sa kanyang trabaho bilang isang comedian na matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa.
Ito ay matapos siyang makakatanggap ng franchise ng Chooks-to-Go in Quezon City na ibinigay sa kanya kamakailan lamang ng Bounty Agro Ventures na pag-aari ng businessman na si G. Ronald Mascariñas kahit hindi ito kasama sa pledges sa kanya noon nang siya’y makapag-uwi ng silver medal.
Si Onyok ang ikalawang Filipino na nakapag-uwi sa Pilipinas ng silver medal in 1996 mula sa Summer Olympics na ginanap sa Atlanta, USA. Nauna sa kanya si Anthony Villanueva in 1964 na ginanap sa Tokyo, Japan para sa men’s featherwright category.
Ang pagkakapanalo ni Onyok ng silver medal sa Atlanta Summer Olympics was the only award na nakuha ng Pilipinas in 1996 kaya bukod sa cash pledges ay meron din siyang iba pang non-cash incentives at kasama na rito ang isang house & lot, P2.5M pledge mula sa House of Representatives at iba pa.
Nang bumalik ng Pilipinas si Onyok ay nakatanggap siya ng P1-M cash incentive mula sa mayor noon ng Maynila na si Mel Lopez at P500,000 mula sa Philipine Sports Commission. Pero ang pangakong P10,000 pension every month for life mula sa pamahalaan ay isang taon lamang umano nangyari habang ang pagpapaaral sa kanyang dalawang anak mula sa Philippine Navy ay hindi rin umano natupad. Hindi pa rin umano niya natanggap hanggang ngayon ang titulo ng house and lot na ipinangako sa kanya.
Xian, walang exclusivity sa Kapuso
Kumpirmado na ang paggawa ni Xian Lim ng teleserye sa bakuran ng GMA sa pamamagitan ng upcoming romantic-drama series na Love. Die. Repeat. na pagtatambalan nila ni Jennylyn Mercado. Ito bale ang kauna-unahang teleserye na gagawin ng nobyo ni Kim Chiu sa bakuran ng Kapuso Network. Pero wala diumano itong exclusive contract sa GMA.
Magmula nang lumipat si Xian mula sa bakuran ng ABS-CBN to Viva noong 2017 ay wala na itong exclusive network contract kaya nakapag-host siya ng isang short-lived game show sa TV5 produced by Viva, ang 1,000 Heartbeats: Pintig Pinoy at ngayon ay gagawa naman siya ng teleserye sa Kapuso network.
Xian started his showbiz career sa ABS-CBN in 2008 until 2017 pero ang team-up nila ni Kim Chiu ay nagsimula sa My Binondo Girl in 2011 kung saan din nagsimula ang Kapuso actor na rin ngayon na si Richard Yap.
Trailer ng Paraluman, 1M views na
Mahigit isang milyon na ang views ng movie trailer ng pelikulang Paraluman na pinagbibidahan ni Rhen Escaño with Jao Mapa as her leading man. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas under Viva Films and scheduled for streaming sa Vivamax at iba pang digital platforms sa buwan ng September.
Ang Paraluman ay maituturing na first solo lead movie ni Rhen matapos siyang mapanood sa Adan with Cindy Miranda in 2019 at sa The Other Wife na pinagsamahan naman nila nina Lovi Poe at Joem Bascon.
Si Rhen ay kasalukuyang nasa Singapore para sa shooting ng kanyang first international movie na pinamamahalaan ng isang Singaporean director na si Sean Ng.
- Latest