Former TV host na si Ansel Beluso, pumanaw sa COVID!
Call it a coincidence. My good friend and former co-host sa dating showbiz-oriented talk show na Isang Tanong, Isang Sagot sa dating ABC-5 (now TV5) na si Ansel Beluso ay sumakabilang-buhay kahapon, August 6, 2021 at 4:20 p.m. due to kidney complications at age 61 ay nataon naman sa ika-77th birthday sa aming original mentor, ang tinaguriang Queen of Intrigues na si Ate Luds (Lourdes Jimenez-Carvajal). Si Ate Luds ang dating boss ni Ansel bilang writer ng mga programa niya noon including her column dati sa Philippine Daily Inquirer. Si Ate Luds ang naging nanay-nanayan at confidante ni Ansel sa showbiz.
Ngayon ay magkasama na silang dalawa sa langit.
Si Ansel ay in and out of the hospital dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit sa kidney kaya kailangan niyang sumailalim ng regular dialysis.
Noong nakaraang May ay kinapitan silang mag-asawa ni Joyce at dalawa nilang anak na sina Jben at Gian ng COVID-19 at naka-recover. Pero bago siya pumanaw ay muling kinapitan si Ansel ng virus na isa marahil sa dahilan ng maaga niyang kamatayan dahil na rin sa komplikasyon ng iba pa niyang sakit.
Ansel was declared dead at about 4:20 p.m. ng doctors sa Binangonan Lakeview Hospital. Pero bago siya lumisan ay palabas na sana sila ng pagamutan dahil gusto ng yumao na sa bahay na lamang siya magpagaling.
As early as last month ay nagpaalam at nagbilin na umano si Ansel sa kanyang misis na si Joyce at sa kanilang mga anak pero patuloy umano itong lumalaban up to the very end.
Noong nakaraang June 23 ay nag-celebrate pa nina Ansel at Joyce ng kanilang ika 20th anniversary.
Since positibo si Ansel sa COVID-19, kinailangan siyang i-cremate at inaayos na ang magiging virtual wake para sa kanya.
Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilyang iniwan ni Ansel.
- Latest