^

Pang Movies

Jimmy, kuntento na sa pagluluto

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jimmy, kuntento na sa pagluluto
Jimmy

Dahil sa hindi na rin nga nakalabas si Jimmy Santos sa Eat Bulaga, dahil bawal na nga ang senior citizen, umuwi na raw siya sa Pampanga at may restaurant doon.

Siya ang nagluluto sa kanilang restaurant, pero palagay namin hindi naman lagi. Mas madalas nga siguro na nakikisalamuha siya sa customers nila.

Noong ma-interview pa siya, ginamit niya ang naging klasiko niyang linyang “cooking is a part of life. If you don’t cook, you don’t eat. If you don’t eat, you die.” Pinasikat niya iyan sa isang sitcom noong araw. Pero mukhang iyan naman talaga ang isa pang linya ni Jimmy bukod sa pagiging komedyante at basketball player, ang paghahanda ng pagkain.

Natatandaan namin noong nakatira pa siya sa Pateros, lagi siyang may dalang balot at itlog na maalat, sabi niya negosyo raw niya iyon na negosyo naman talaga ng halos lahat ng taga-Pateros noong araw.

Una siyang nakilala bilang basketball player noon ng JRC sa NCAA. Tapos naglaro siya para sa team ng U-tex noong panahon ng MICAA, hanggang sa PBA kung saan siya naglaro para sa 7up. Dahil doon napasama na siya sa basketball team ni FPJ (Fernando Poe Jr.) at naging artista na rin.

Isa siya sa mga kontrabida ni FPJ noong araw, at kilala siyang mapagpatawa sa set. Isinama siya sa isang television sitcom, kung saan noong una ay support lang siya pero naipauso niya iyong kasabihang “I love you 3 times a day” kaya biglang sikat ng show at siya na ang bida at inaabangan ng mga tao. Ginawa ring pelikula ang kanyang kasabihang iyon.

Sa kabila ng popularidad noon ni Jimmy, talagang hindi niya iniwan ang food business kaya ngayon iyon ang kanyang binalikan at bumubuhay sa kanya.

Utak ang ginagamit ni Jimmy. Kung aasahan mo nga naman ang show business na bagsak naman ngayon wala ngang mangyayari sa buhay mo.

Pero si Jimmy, na maganda ang outlook sa buhay, hindi sumama ang loob o nagdamdam kung nawala man siya sa show, nagsimula siya ng kanyang bagong negosyo na ok naman.

Rachelle, nasapawan na si Sarah?!

Tingnan din ninyo si Rachelle Ann Go, runner-up lang siya noon sa contest na ang nanalo si Sarah Geronimo. Si Sarah, dahil siya ang winner binigyan ng todo build-up. Si Rachelle, hindi masyadong umangat agad dahil hindi naman binigyan ng push. Pero nagsikap nang husto si Rachelle. Nakuha rin siya para sa Miss Saigon. Hindi pa lead role iyon kundi second lead lamang, pero alam naman ninyo sa West End hindi mahalaga iyong role, ang tinitingnan nila iyong husay ng performance, doon sumikat si Rachelle.

Nang magkaroon ng reunion concert ang Miss Saigon, siya ang isinabak na kasabayan ni Lea Salonga at lalong sumikat siya.

Marami na ang kumuha sa kanya, nakapag-recording pa siya sa abroad at naging hit iyon. Ngayon, dahil mas maganda nga ang hanapbuhay doon, at mas maganda ang chances niya, nakabili pa sila ng asawa niya ng bahay sa UK at doon na nga raw titira.

Kung titingnan mo ang mga naabot na ni Rachelle ngayon, aba eh walang ganyan si Sarah. Balita pang nagrerenta pa lang sila ng bahay ng asawa niyang si Matteo Guidicelli.

Male Contest organizer, niraraket ang mga model

Isang malaking raket din pala ang mga ginagawa ng male personality contest. Nagulat ang isang male model at social media influencer nang makita niya ang kanyang picture at pangalan sa isang contest na hindi naman niya sinalihan.

Hinanap niya ang organizer at sinabihang wala siyang interest na sumali, at saka siya kinausap at kinumbinsing sumali na lang daw.

Sinabihan pa raw siyang manalo man siya o matalo tiyak na malaki ang kanyang kikitain. Nabuko raw niya kung ano ang talagang raket noon kaya tumanggi siya at nagbantang magdedemanda kung hindi aalisin ang pangalan niya at picture sa contest. Iyon pala ang ginagawa ng ilang organizers para matawag ang pansin ng mas maraming sponsors na karamihan naman ay mga bading ang interesado.

JIMMY SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with