^

Pang Movies

Kiray laging may pasabog sa mga magulang

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kiray laging may pasabog sa mga magulang
Kiray

Marami ang pinahanga ni Kiray Celis (Johanna Ismael Celis) sa pagpapasaya nito sa kanyang parents lalo na sa espesyal na okasyon. Noong nakaraang Valentine’s Day, ginulat ni Kiray ang kanyang mga magulang nang bigyan niya ang mga ito hindi lamang ng mga bulaklak kundi ng maraming peso bills na pinagdugtong-dugtong.

Kakaiba rin ang naisip na birthday gift ni Kiray sa ika-56th birthday ng kanyang ina recently dahil naglagay siya ng P6,000 sa loob ng balloon na nang paputukin ito ay sumambulat ng pera na nagkakahalaga ng P6,000. Pero hindi pa ito kumpleto dahil may dumating na lechon (roasted pig) na ang laman ng tiyan ay naglalaman ng P50,000 cash, so a total of P56,000 para sa ika-56th birthday ng kanyang ina. Ito’y ibininahagi ng actress-comedienne sa kanyang vlog last Saturday, June 5.

Mahal na mahal ni Kiray ang kanyang parents na siyang source ng kanyang inspiration bukod sa kanyang boyfriend na si Stephan Estonia na kaga-graduate lamang kamakailan lang ng Bachelor of Sports and Wellness Management degree sa Arellano University.

Naipagpatayo na rin ni Kiray ang kanyang parents ng sarili nilang bahay.

Long, maraming pinagdaanan

Hindi ikinakaila  ng actor-comedian at vlogger na si Long Mejia siya’y nagsimula bilang street vendor (ng mga kurtina ng jeep) at barker bago siya napunta sa showbiz. Dahil takaw-huli ang kanyang pagtitinda, pinangarap niya ang maging artista balang araw na hindi niya akalaing magkakatotoo.

Isa si Long sa walong magkakapatid. Nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama ay napilitan siyang tumulong sa kanyang ina sa pagtitinda ng kung anu-ano para makatulong sa kanilang pamilya.

Sa isang audition ng Joke Forum ng PTV-4, sumubok si Long at siya’y naispatan ng writer-director na si Ipe Pelino. Nang malipat si Ipe sa GMA para idirek ng TV sitcom na Kool Ka Lang na pinagbidahan na Raymart Santiago, Joey Marquez, Jomari Yllana at Benjie Paras, muli siyang isinama ni Direk Ipe at agad siyang nagustuhan nina Raymart at Joey. Sa awa at tuwa ni Joey kay Long, binigyan niya si Long ng second-hand Cefiro car noong December 22, 2002 (as Joey’s Christmas gift na rin kay Long na wala pang sasakyan noon at nagku-commute mula Malolos, Bulacan kapag sila’y may taping).

Ang top-rating sitcom na tumagal sa ere ng halos limang taon sa GMA ay nagpaalam sa ere noong October 17, 2003 but at that time ay lumipat na si Long sa ABS-CBN bilang isa sa mga hosts ng MTB noontime show kung saan kabilang noon sina Randy Santiago, Bayani Agbayani, Willie Revillame at iba pa.

Bobet ang tunay na palayaw ni Long. Ginawang Long ang kanyang screen name sa Kool Ka Lang dahil kasama rin sa programa si Dagul.

“Malaki ang utang na loob ko kina Direk Ipe (Pelino), Raymart (Santiago), Joey (Marquez) at sa GMA dahil sila ang nagbigay ng magandang break sa akin sa TV kung saan naman ako napansin ng ABS-CBN,” pahayag ni Long na malaki rin ang utang na loob sina Luis Manzano, Sen. Manny Pacquiao at iba pa.

Si Long ay kasalukuyang napapanood sa Sunday sitcom ng TV5, ang John en Ellen kung saan tampok na mga bituin sina John Estrada at Ellen Adarna kasama si Ronaldo Valdez at iba pa.

KIRAY CELIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with