^

Pang Movies

Kapuso star, kinasuhan ang asawa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Uy kinasuhan pala ng sexy actress na si Jelai Andres ang mister nitong Jon Gutierrez, na kilala ring member ng grupong Ex-Battalion.

Ayon sa mga report, isa sa mga kasong isinampa ni Jelai ay ang Violation of Republic Act No. 9262, o ang tinatawag na Anti-Violence Against Women and Children.

Naganap ang kanilang initial hearing nung Mayo 18 kung saan pareho umano silang dumalo.

Lahat diumano ay idudulog ni Jelai sa tamang proseso at tamang lugar lalo na’t ang mga taong nagkakasala sa kanya pa raw ang matatapang.

Last June 1 ay nagsampa na rin ito ng Concubinage laban sa ex-husband at sa isang taong sangkot din diumano sa kaso. 

“Meron pa po akong ibang cases na finile – na may iba pang taong involved maliban kay Jon. There are times that we need to learn how to stand up and fight for our rights, to seek justice and hopefully, people will learn a lesson especially those who don’t know how to respect the sanctity of marriage,” aniya sa interview pagkatapos ng hearing.

Kasalukuyan din daw pinoproseso ng Kapuso star ang pagsasampa ng annulment case, para mapawalang bisa na ang kasal nila.

Gretchen iniintriga sa pasa o love bite?

Iniintriga ang animo’y pasa sa leeg ni Gretchen Barretto sa isang IG story niya kahapon.

Pero burado  ang nasabing story dahil 24 hours lang ito puwedeng i-check ng kanyang followers.

Or baka rin naman habang nag-e-exercise si Gretchen ay nagkapasa siya. Imposible naman daw kasi na may nanakit sa isang Gretchen Barretto.

May nagsabi naman na baka kiss mark or love bite or hickey or something.

Or puwede rin naman daw nahulugan ng kung ano habang siguro raw ay nag-aayos ng kanyang mga gamit ang sosyalerang si Gretchen.

Ahhh, anyway, basta ang bongga ng bahay nila Gretchen sa nasabing mga story niya lalo na ang malalaking halaman. Nagtaka lang ang ibang followers na parang may isang kuha na ipinu-focus pa ang nasabing parang pasa, parang lang, sa kanyang leeg.

vuukle comment

JELAI ANDRES

JON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with