^

Pang Movies

Cris Villanueva at buong pamilya, na-COVID

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Cris Villanueva at buong pamilya, na-COVID

Nagka-COVID-19 daw ang aktor na si Cris Villanueva last March. At bale ba, hindi lang siya, kundi ang kanyang buong pamilya.

Pero, siya raw ang may pinakamatinding naramdaman. Halos buong katawan niya raw ay sobra ang pananakit. Bukod pa sa hirap siyang huminga at wala siyang kagana-ganang kumain.

Ang pagkakasabay-sabay nilang magka-COVID-19 somehow did them a favor, though. They were quarantined in one place.

Which was the reason why, lalo’t siya, hindi na pumayag magpaospital, although ito sana ang advice sa kanya ng kanilang attending physician.

It was prayers from relatives, friends at mga kakilala, feeling ni Cris, which ended his and his family’s anxiety.

Ganunpaman, ang advice niya to everyone, to avoid the virus, stay put lamang sa bahay, kung hindi lang ultra important ang dahilan, para, kumbaga, umalis.

In fairness kay Cris, he was looking good when he attended the virtual presscon ng Maalaala Mo Kaya (MMK) kahapon, kasama si Maris Racal and their director, James Pobocan, for a Father’s Day episode, scheduled June 12 and 19. “Ang ganda ng kuwento ng nabanggit na episode,” ani Cris. “It’s about a father na 20 years later nang magkita sila ng kanyang anak (performed by Maris). At heto ang masakit, afflicted siya with HIV (human immunodeficiency virus). In any case, to his death, inalagaan siya ng kanyang anak,” susog ni Cris.

Kim at Pepe, sanay na sa isa’t isa

Also a Father’s Day presentation sa MMK, schedule June 5, Saturday, is the Kim Molina-Pepe Herrera starrer, the romantic comedy, 14 Years of Love. Direction: Raz de la Torre.

Present nga rin pala sa MMK presscon si Gret­chen Fullido ng TV Patrol na nag-serve as host at si Aaron Domingo, Media Relations Manager, ABS-CBN.

Both theater actors, kung ilang shows na raw ang pinagsamahan nina Kim at Pepe. Pero, dito sa episode ng 14 Years of Love, una silang magtatambal for a show na ipapalabas sa TV.

Busy as a bee si Kim, who is also the bida, opposite her real-life sweetheart, Jerald Napoles, in the soon to be released Vivamax movie, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, directed by Darryl Yap.

Ruby, kumikirot pa rin ang puso sa kapatid na namatay sa virus

Tinapos munang lahat ni Ruby Rodriguez ang mga eksena niya sa magtatapos na niyang series, Owe My Love, bago siya umalis patu­ngong Los Angeles, California, where she now works sa Consular Office natin doon. Hanggang this week na lang sa himpapawid ang Owe My Love.

Ruby is a Bachelor of Science in Business Admi­nistration graduate from the University of the Philippines. Ruby opted not to practice her profession when showbiz beckoned.

Ilang taon din siyang naging isa sa hosts ng Eat Bulaga. In Owe My Love, Ruby played the mother ni Lovi Poe, who co-stars in the series, too, with Benjamin Alves, Ryan Eigenmann, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez and AiAi delas Alas, among others.

Hanggang ngayon daw, nakakaramdam pa rin ng kirot si Ruby tuwing sumasagi sa kanyang alaala ang pagkamatay ng nakatatandang kapatid na doktora na namatay sa COVID-19.

CRIS VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with