^

Pang Movies

Ryza, hindi na kinaya ang kanegahan sa social media

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ryza, hindi na kinaya ang kanegahan sa social media
Ryza

Naaapektuhan si Ryza Cenon sa kanegahan sa social media, kaya nagpaalam ito sa kanyang subscribers na ititigil muna niya ang kanyang YouTube channel. Ang vlog entry niya noong May 1, ang kanyang last vlog.

Nangako si Ryza na magbabalik din siya. Kabilang sa pinagpaalaman ni Ryza ang Viva Artists Agency na nagpapatakbo ng kanyang career.

Ang paliwanang ni Ryza, naaapektuhan siya sa mga nababasa o nakikitang kanegahan ng socmed kaya nawala ang drive niyang mag-vlog.

Sa ngayon, busy si Ryza sa pag-aalaga sa partner niya at ama ng six-month old baby boy niyang si Night Cruz.

Dingdong, marami nang suki

Ang suwerte ng riders ng DingdongPH sa tulong at suporta na ibinibigay nina Dingdong Dantes at partners nito. Last May 1, nagkaroon ng contract signing si Dingdong with Rotary Club of Makati para sa assistance ng mga rider.

Pinost ni Dingdong ang naganap na contract signing at may paliwanag siya tungkol sa importanteng okasyon sa buhay ng kanilang mga rider.

“Today, May 1, Labor Day, our dream of providing education-to-livelihood opportunity turns into reality.

“The YesPinoy Foundation and Rotary Club of Makati have been working together to educate and train Pandemic-affected workers, who have been engaged as Partner Riders by Dingdong.”

Samantala, kabilang sa kliyente ng Dingdong PH ang Angrydobo nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Litterbucks nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, at ang Flora Vida by Marian ni Marian Rivera.

Ultimate Survivor Kim, laglag sa Voltes V

Inamin ng StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor winner Kim de Leon na nag-audition siya para sa Voltes V Legacy, pero hindi siya pinalad na mapili.

“Yeah, nag-audition ako sa Voltes V, actually. Sadly... Hindi naman ako sobrang nanghihinayang... joke lang. Nanghihinayang talaga ako. Hindi! Happy ako for Miguel (Tanfelix) and the rest of the cast. Mabuhay, Radson (Flores)!”

Ang Radson na binanggit ni Kim ay ang kasama niya sa Startruck na hindi man nanalo, pasok naman sa Voltes V: Legacy.

In fairness, may regular show naman si Kim sa GMA 7 dahil kasama siya sa All-Out Sundays at nasa cast din ng rom-com series ng GTV na Love You Stranger.

Dennis, nega na

Pinost ni Dennis Padilla ang result ng latest COVID test niya at nakalagay doon na negative na siya sa sakit. Kaya ramdam mo ang tuwa nito sa kanyang post na “Dear Jesus!!! Salamat!!! First taping after my battle with covid pneumonia.”

Hindi binanggit ni Dennis kung aling show siya magti-taping o nag-taping, pero nabanggit nito, bago siya magkasakit na may gagawin siyang show sa GMA 7.

Masaya ang mga kaibigan ni Dennis na COVID free na siya at wish nilang hindi na uli magkakasakit ang tatay ni Julia Barretto.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with