^

Pang Movies

Prince Philip, ‘di umabot sa 100

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Prince Philip, ‘di umabot sa 100
Prince Philip

Nagluluksa ngayon ang British Royal Family, ang ­United Kingdom ­maging ang buong mundo sa pagpanaw ni Prince Philip, Duke of Edinburgh nung nakaraang Biyernes ng umaga, April 9 sa Windsor Castle.  He was 99 at dalawang buwang short sa kanyang ika-100th birth anniversary sa darating na June 10.

Si Prince Philip ay mister ni Queen Elizabeth II at 73 na taon na silang nagsasama bilang mag-asawa. 

Meron silang apat na mga anak – sina Charles, Prince of Wales; Anne, Princess Royal, Prince Adrew, Duke of York at si Prince Andrew, Duke of Wissex.

May tigda-dalawang mga apo sina Queen Elizabeth II at Prince Philip sa kanilang apat na anak. Kasama sa walong apo ang mga anak nina Prince Charles at ng yumaong si Princess Diana na sina Prince William at Prince Harry at may mga apo na rin sila sa tuhod or great grandchildren.

Eighteen si Prince Philip nang siya’y maging miyembro ng British Royal Navy in 1939.

Hindi pumayag ang amang hari noon ni Queen Elizabeth na si King George VI na ikasal ang dalawa hangga’t wala pang 21 ang reyna. The couple got engaged nung July 1947 at kasunod na rito ang kanilang engrandeng kasal nung November 20, 1947.

In-adopt ni Prince Philip ang apelyido ng kanyang maternal grandparents na Mountbatten kaya ito ngayon ang apelyidong bitbit ng kanyang great grandchild kay Prince Harry na si Archie Harrison Mountbatten-Windson.

Bago ikinasal si Prince Philip kay Queen Elizabeth na naging reyna in 1952 ay ibinigay na ni King George VI kay Prince Philip ang titulong His Royal Highness at ginawang Duke of Edinburgh, Earl of Merioneth at Baron Greenwich. Si Prince Philip ay ginawang prinsipe nung 1957, limang taon matapos maging reyna si Queen Elizabeth II.

Iniwan ni Prince Philip ang military service as commander nang maging reyna si Queen Elizabeth II in 1952.

Si Prince Philip ang pinakamatandang miyembro ng British Royal Family bago siya pumanaw at pinakamatagal na consort ng reigning British monarch.  Siya’y nagretiro mula sa kanyang royal duties nung August 2, 2017 nung siyang tumungtong sa edad na 96.

Ang panganay na anak nina Queen Elizabeth II at Prince Philip na si Charles, Prince of Wales ang nakatakdang maging susunod na hari ng British royal family.

PRINCE PHILIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with