Andre, seryosong pagsabayin ang basketball at hosting job!
Dahil opisyal nang PBA player na si Andre Paras after siyang ma-draft sa Blackwater team, kikita ito ng higit na P3 million in two years sa pinirmahan niyang kontrata.
Mahahati nga raw ang panahon ni Andre between sports at sa showbiz. Kasalukuyang host si Andre ng GTV game show na Game of the Gens.
Hindi naman tinago ni Andre na longtime dream niya ang makapasok sa PBA tulad ng kanyang ama na si Benjie Paras na isang PBA Legend.
Kung kaya raw ipagsabay ni Andre ang showbiz at basketball, gagawin niya dahil pareho raw niyang mahal ang dalawa.
“My motto in life it’s always: change your happiness to what makes you happy. And showbiz or hosting makes me happy, basketball makes me happy.
“And at this point sabay pa rin sila, so I have no reason to choose one, kasi sabay naman po sila, both make me happy,” sey ni Andre.
Vin, nagselos noon kay Derek
Hindi itinago ni Vin Abrenica na minsan niyang pinagselosan si Derek Ramsay dahil sa balak nitong pormahan noon ang fiancee na si Sophie Albert. Nasa TV5 pa raw silang tatlo noong mangyari ito.
Sa YouTube vlog nila ni Sophie kinuwento ni Vin ang pagtanong ni Derek kay Sophie kung may boyfriend ba ito? Sinagot daw ito ni Sophie ng: “I’m seeing somebody.”
“I have a reason why. Boys would understand me on this, even girls. Derek is in the same network. Magkakasama tayong lahat. I was there. He knows me too,” sey ni Vin na hindi maintindihan si Sophie kung bakit hindi nito sinabi kay Derek na may relasyon sila.
Depensa ni Sophie, hindi pa raw kasi nila inaamin ni Vin ang kanilang relasyon sa publiko, kaya naging safe ang sagot niya sa tanong ni Derek.
“I wasn’t close to Derek. It was like the first time I had a conversation with him or I met him. So I said ‘I’m seeing someone.’ That was my way of being loyal instead of saying, ‘no, I’m single’,” sey ni Sophie.
Pero gustong linawin ni Vin na hindi siya galit o may sama ng loob kay Derek. Wala na raw siyang rason na magselos sa kahit na sinong lalake dahil engaged na sila ni Sophie at may baby girl na sila.
Alex at Jennifer nagkaayos na uli
Magkasama ngayon sa Dominican Republic sina Alex Rodriguez and Jennifer Lopez.
Tinupad ni Alex ang kanyang pangako na lilipad siya to the Dominican Republic from Miami, Florida para magkaayos sila ni J.Lo.
Kasalukuyang nagsu-shoot ng movie si Jennifer titled Shotgun Wedding with Josh Duhamel.
Habang nasa shooting location si Jennifer, naglaro naman ng golf si Alex kasama ang ilang kaibigan sa isang sikat na golf resort doon.
Pinost ni Jennifer sa kanyang IG na magkayakap sila ni Alex pagdating nito sa Dominican Republic.
Ayon sa source ng People: “They never officially broke up, but are still together. They hit a rough patch. But were not broken up.”
Twice ngang na-cancel ang wedding nila last year dahil sa COVID-19 pandemic.
- Latest