Ineendorso ni Ka Tunying, swak sa pandemya
Very timely talaga ‘yung pag-endorse ni Ka Tunying Taberna ng P.A. Properties para sa mga low cost na pabahay. Sa panahon ngayon na talagang pinaka-basic na kailangan ng isang pamilya ‘yung titirahan, dapat talaga na ang investment mo ay bahay muna bago sasakyan.
Pero siyempre ‘pag binata o dalaga ka ang dream mo kotse, pero ‘pag gusto mong maging practical, mabuti nang habang single ka meron ka nang investment para sa bahay ng future family mo.
At sure ako na hindi ito ie-endorse ni Ka Tun ying kung hindi niya alam na magiging malaking tulong sa tao.
Ever since naman kahit ‘yung pagpapatayo niya ng Ka Tunying resto and eatery para matulungan sa trabaho ang mga kabataang bagong graduate. In fact, naging malaking problema nga niya nang magka-pandemic at humina ang dine in dahil naging rotation ang trabaho ng waiters.
Mabuti ang puso ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna kaya naman magaan ang pasok ng suwerte sa kanila.
Panonood ng K-drama, nakakagaan ng buhay
Nag-promise ako kay Salve na titigil muna ako sa panonood ng Koreanovela.
Pero dahil sa nangyari na paghihigpit na naman, stay home at wala na namang magawa kaya back sa marathon watching uli. ‘Katawa dahil ‘pag ang isa palang serye ay pinanood mo uli either mag-iiba ang taste mo rito or lalo kang mahu-hook.
Kasi nga ang hirap ng sabay manood at magbasa ng subtitle, kaya dapat talaga twice mong panoorin para lalo mong maintindihan. Pero may serye na ‘pag pinanood mo uli wala na ‘yung unang magic sa iyo, pero meron namang sa second watching mo mas lalo mong magugustuhan.
Ewan ko kung anong magic sa akin ng Weightlifting Fairy at Reply 1988, na kahit ilang ulit kong panoorin, feel good talaga ako. Ang gaan-gaan, at parang flashback ng kabataan mo na simpleng-simple ang buhay, walang twist at subplot, basta ‘yung flow ng life magaan.
Kaya nga ‘pag medyo sad ako, down, watch ko talaga ang dalawang serye na ito. ‘Yung uplifting talaga ang message, ‘yung walang drama ang buhay n’yo. Saka ‘yung message ng friendship, neighborhood at youthful innocence.
Hay naku, sana ganun lang ka-simple ang life, walang twist and turns, happy lang.
- Latest