^

Pang Movies

Ariel at Gelli, napagsabay ang pamilya at showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ariel at Gelli, napagsabay ang pamilya at showbiz
Ariel, Gelli at mga anak

Isa pa sa hanga ako kina Ariel Rivera at Gelli de Belen. Kasi nga kahit nag-sacrifice sila na nasa Canada ang mga anak nila para magtapos ng pag-aaral ay ok lang, basta maging sure sila na maging stable ang future ng mga ito.

Saka kita mo pa rin na kahit sa malayo, very close ang pamilya nila, kahit nasa salon ni Bambbi Fuentes si Gelli, nag-uusap sila ng mga anak niya sa telepono, humihingi ng advice sa kanya sa gagawin, to think na boys ang anak nila ni Ariel.

Tahimik din ang family life nila na wala kang maririnig na intriga, at talagang family din ang first priority nila kaya naman talagang kahit nasa Canada ang pamilya ni Ariel, regular ang dalaw nila ni Gelli.

So lucky for couples tulad nina Ariel at Gelli na napagsasabay ang trabaho at pamilya. Siguro nga dahil may respeto at buo ang pagmamahalan nila kaya kahit ano pang pagsubok ay kaya nilang harapin.

Ipagmamalaki rin nila ang mga anak nila na naging normal ang mga buhay kahit pareho silang nasa showbiz.

Magandang ehemplo at patunay na hindi hadlang ang career para mapabuti ang pamilya. ‘Pag talagang gugustuhin mo na maging maayos ang buhay mo, ikaw mismo ang gagawa ng paraan. Hindi naging hadlang ang showbiz career nila para mapalaki nang maayos ang mga anak.

Kaya bow din ako kina Ariel at Gelli. Bongga rin, at kaya pang isingit ni Gelli ang panonood ng Koreanovela niya ha, ‘di bah bongga talaga.

ARIEL RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with