^

Pang Movies

Anak ni Sunshine, nagbabala sa pang-aabuso sa kababaihan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talagang diretsahan ang mga warning ni Angelina Cruz laban sa pang-aabuso sa karapatan ng mga kababaihan. Mukha ngang liberated ang pananaw ng anak ni Sunshine. May nagsasabing siguro ang naging karanasan na rin ng bata sa kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit ganoon ang kanyang opinion.

Totoo namang may nangyayari pa ring ganyan sa kabila nga ng katotohanang may umiiral nang batas na nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng mga kababaihan.

Dito sa atin may mga lalaking ang kaisipan pa rin, sila ang lalaki at sila dapat ang masusunod, nasa kanila ang kapangyarihan, na mali.

Maganda naman at kahit na mga bata pa, alam ng mga anak ni Sunshine ang kanilang mga karapatan bilang mga babae. Sa ganoon, mas magiging maingat na sila sa pamimili ng kanilang magiging partner pagdating ng araw.

Nakita rin naman nila ang hirap ng kanilang ina na mag-isang nagtataguyod ng lahat ng mga pangangailangan nila sa kasalukuyan.

Aljur, sumuko kay Kylie

Nag-post si Aljur Abrenica ng picture ng kanyang asawang si Kylie Padilla na suot pa ang kanilang wedding ring na obvious na gustong patunayan na sila ng kanyang asawang si Kylie na tinawag pa niyang “our queen” ay hindi nga hiwalay.

Mahigit isang buwan na nga yatang umuugong ang mga kuwentong naghiwalay ang mag-asawa dahil sa ilang messages na inilabas ni Kylie sa kanyang social media account, at wala namang narinig na denial sa mga suspetsang iyon. Wala rin namang umamin na totoo nga.

Pero sa panig ni Aljur, maliwanag na kung mayroon mang mga problema, gusto niyang magkasundo silang dalawa ni Kylie.

Halos wala ngang posts si Aljur, pero nili-like niya ang posts ni Kylie at maliwanag naman na konektado pa rin sila sa social media accounts nila.

Pera ang sinasabing dahilan ng kanilang tampuhan.

Pero ang masasabi namin diyan, tama ang ginagawa ni Aljur. Hindi nangangahulugan na kung parang siya ang nagpapakumbaba ay takot siya kay Kylie. Siguro ang iniisip niya, ano man ang problema nila ay dapat nga nilang resolbahin lalo na nga’t may dalawa silang anak.

Hindi rin naman biru-biro ang naging love affair nila. Ang dami nilang isinakripisyo. Si Kylie nga, halos naiwan ang kanyang papataas nang career bilang aktres nang mabuntis ni Aljur.

Kung iisipin mo, bakit nga ba nila hahayaan na ang isang simpleng tampuhan lamang ay makasira sa kanilang relasyon. Dapat mag-usap sila at magkasundo  at tama rin naman na si Aljur ang magsimula ng pakiki­pagkasundo dahil siya ang lalaki.

Aktor na wala nang hatak sa fans, pinapayuhang mamahinga na

Ok lang naman daw ang kalagayan ng career ng isang actor na walang assignment sa ngayon. Kasi naipa-package deal siya ng handlers niya na actually kasosyo niya sa kanilang management company. Basta may kukuning ibang talent sa kanila, iniaalok din siya ng handlers na kailangan nilang gawin dahil napansin nila na sa ngayon ay wala nang nagkukusang kunin siya.

Natapos na rin naman kasi ang panahon ng kanyang pagiging matinee idol. Sikat pa rin siya pero wala na siyang batak sa fans. Kilala lang siya dahil sa hype na ginagawa sa kanya, pero in terms of following, wala na talaga.

May mga nagsasabi nga na baka panahon na para sa isang graceful exit.

 

ANGELINA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with