^

Pang Movies

Brightlight, pinag-aaralan ang mga susunod na gagawin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang hindi pa tapos ang issues na kumakalat ngayon tungkol sa Brightlight Productions.

Nagtataka ako na para bang ang bigat ng loob ng mga taong involved at mukhang si Papa Albee Benitez pa ngayon ang lumalabas na clueless sa mga pangyayari.

‘Yung almost P600M losses na na-incur sa ilang buwang pag-andar ng Brightlight Productions is not a joke, kaya bilang good businessman dapat lang siguro na ihinto muna niya ang business at tingnan ang iba pang possibilities.

Puwedeng in hiatus muna ang mga hininto niyang show, anytime puwede na naman siyang gumawa, pera niya ang involved kaya siya ang magde-decide ‘di bah?

Bakit parang bitter at galit ‘yung iba samantalang ang nawalan ng pera ay si Papa Albee Benitez? Kung hininto niya ang production, iyon ay dahil ayaw niyang mas lumaki pa ang mawala sa kanya.

Naging easy target nga siya dahil hindi presyong pandemic ang ginawa niya, presyong akala mo normal pa ang lahat. Kaya nag-suffer kaagad dahil nga sa laki ng gastos na na-incur sa sandaling panahon.

Papa Albee is a good businessman, nakita niya na puwede pang mabuhay ang showbiz, tumulong siya para makaahon ito, pero alam din niya na hindi puwedeng tuluy-tuloy habang lumalaki ang perang nawawala.

Ngayon nasa stop, look and listen ang situation siya. Hintayin natin ang final decision niya. Siya ang may capital investment, siya ang masusunod. Let him do his own research, his own decision.

Bakuna laban sa COVID, ipamigay na

Halos araw-araw naririnig ang issue ng vaccines. Ray of hope dahil malay natin, ito na nga ang cure para sa COVID-19.

Sana nga maging safe at mabigyan ang lahat dahil talagang malaki ang naging epekto nito sa buong mundo kaya dapat lang talagang pagtalunan, ‘yung quality at presyo, pero dapat din naroon ang tiwala natin para rito.

 Huwag na lang sanang samantalahin pa ang pambili natin nito, ibigay na sa lahat ng Pilipino.

Let us stay safe and stress-free always, para naman maging happy na tayo at mawala na ang takot sa virus na ang tagal na nating kinatakutan. Hayan na ang vaccines, bigyan na ang lahat ng Pinoy. Please, patayin na si COVID-19, babu na siya.

ALBEE BENITEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with