^

Pang Movies

Showbiz nagulat sa pagpanaw, MMDA Chair Lim naging busy pa sa mga namimirata sa MMFF!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Showbiz nagulat sa pagpanaw, MMDA Chair Lim naging busy pa sa mga namimirata sa MMFF!

Maraming nagulat sa pagpanaw ni MMDA Chairman Danilo Lim kahapon.

Sa virtual Parade of Stars last December 23 ay present pa si Chairman Lim. Sila pa nga ang nag-gong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa official na pag-uumpisa ng 2020 Metro Manila Film Festival na ngayong araw na magtatapos.

Walang trace na may karamdaman siya noon. Parang ang healthy pa nga niya.

Anyway, kasama rin si Chair Lim sa mga nagbanta sa mga namirata ng mga pelikula sa MMFF digital edition - “Remember: Piracy is a crime. We shall pursue these violators to the full extent of the law and we shall keep a close watch against film pirates,” ang bahagi ng statement niya na lumabas sa website ng MMDA.

“Let us not watch or buy pirated copies, not only that it is illegal but patronizing them would discredit Filipino filmmakers’ hard work, talent, money, tears and blood put into their projects,” dagdag na pahayag nito sa nasabing press release ng MMDA na inilabas nila noong January 5.

Naging consistent din siya sa panawagan na “The best way we could help our local moviemakers and producers is by not engaging in movie piracy. We urge everyone to report cases of piracy or anyone caught recording and selling MMFF entries.”

Sana nga ay makonsensiya ang mga namimirata sa pagpanaw ni Chair Lim.

Last December 29 lang nang sabihin ni Chair Lim na tested positive siya sa COVID-19 “despite all the health precautions.”

Sixty five years old siya at umupo siya sa MMDA last May 2017.

DANILO LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with