Pandemya, pinagkakitaan nga ba?
Nakaraos na naman ang Pasko na kesehodang may protocol na nagbabawal ng pagtitipon ay hindi pa rin napigilan ang tradisyon ng mga Pilipino. Sinusunod naman nila ang pagsusuot ng face mask at face shield at paggamit ng alcohol kaya tuloy lang ang celebration.
Ayon nga sa ilang netizens, pinasosyal lang ang COVID na ito, na dati’y tawag lang ay trangkaso. Mangyari pa ‘pag napabayaan ay lumalala at nakamamatay. Sa kasalukuyang kaganapan ay mistulang pinagkakakitaan ito sa pagbebenta ng face mask at iba pang requirements ng Department of Health. Maraming yumaman sa pandemya lalo na ang mga ospital na ‘pag nagkasakit ka lang ay ida-diagnose na ito na COVID para may dahilan upang masabing maaaring i-cremate dahil nga nakakahawa ito.
Wow, big deal, kaya sana lumayas na ang virus na ito kagaya ng iba pang sakit na sumalakay noon. Nakakapagod na rin.
Wish ni Nora sa Pasko hindi natupad
Christmas wish ni Superstar Nora Aunor na sana ay magkasundu-sundo na sila ng kanyang mga anak.
Naging masaya kaya ang kanyang Pasko kahit obvious na hindi natupad ang kanyang Christmas wish?
May movie entry si Guy sa MMFF, ang Isa Pang Bahaghari. Mabuti naman at may Nora Aunor na napasali sa Metro Manila Filmfest para kahit papaano masasabing nagkaroon ito ng ningning.
Karamihan naman kasi ay pulos mga hindi kilala ang mga kalahok. Ipinagtatanong pa kung sino ba silang mga bida sa mga naturang pelikula.
John Lloyd, hindi kayang iabandona ang showbiz
Totoo ang kasabihan na once na pasukin mo ang mundo ng showbiz ay mahihirapan ka nang makaalis pa rito. Mistula itong kumunoy na hihigupin ka pabalik. Kagaya na lang ng aktor na si John Lloyd Cruz. Sinabi niya noon na ayaw na ayaw na niyang mag-showbiz dahil napakagulo nito.
Well, ano itong balitang babalik siyang muli sa showbiz at take note, hindi sa ABS-CBN kundi sa TV5?. Ayon nga sa aktor ay hindi naman daw niya iniwan ang showbiz kundi namahinga lang.
How true kaya?
Well, walang masama para naman masiyahan ang fans na matagal na naghintay sa kanya.
- Latest