^

Pang Movies

Pasko mas naramdaman sa matinding traffic

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Merry Christmas, everyone.

Parang kailan lang nang mag-umpisa ang pandemic at magkaroon ng lockdown. Walang nag-akalang magtatagal ito hanggang ngayon.

Maraming nagbago sa ce­lebration ng Pasko, pero ang hindi nabago ay ang traffic.

Terrible ang traffic. ‘Yung minsan ka na nga lang lumabas ay magugulantang ka naman sa matinding susuungin mong traffic.

Pero at least dahil doon mara­ramdaman mo talagang Pasko.

Jinggoy at Alfred laglag sa best actor!

MMFF movies, binabantayan kung ano ang magiging no.1

Kanya-kanyang bilihan na ng ticket para sa MMFF 2020.

Nakaka-excite nga rin namang manonood dahil sa bahay ka lang at hindi makikipagsiksikan sa mga mall na noon ay nagbubukas ng mas maaga ang mga sinehan para ma-accommodate ang mga taong nagdadagsaan para manood ng mga sine.

Saka ang dami na noong naka-monitor kung aling pelikula ang pinipilihan sa eight official entries.

Pero ngayon walang nakakaalam kung paano malalaman kung magkano ang kinita ng isang pelikula.

Anyway, dalawang pelikula palang kasali sa  Metro Manila Film Festival (MMFF 2020) ang nagpa-review sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Though hindi required since digital edition this year, pero ‘yung mga nagpaplanong magkaroon ng commercial run ay ipina-review na sa MTRCB.

Ito ay ang Magikland and The Boy Foretold by the Stars.

Mismong si former Congressman Albee Benitez ang nagbanggit nang makausap namin weeks ago na ipalalabas nila ito sa mga sinehan sakaling maging Modified General Community Quarantine na sa Metro Manila at puwede nang mag-operate ang mga sinehan.

Actually, muntik na silang mag-withdraw sa MMFF dahil intended talaga sa movie theater ang production ng Magikland. Pero walang choice dahil pinakiusapan sila ng MMFF na ituloy na lang ang pagsali.

Ang Magikland ang nag-iisang movie na fantasy at heavy ang special effects na every frame ay may animation.

Ang The Boy... ay nabanggit ng direktor nilang si Dolly Dulu na Rated G sila, meaning for all viewers.

So the rest of the entries, ay hindi pa nagpa-planong ipalabas sa mga commercial theater.

Kailangang dumaan sa MTRCB headed by Chair Rachel Arenas ang mga pelikulang ipalalabas sa mga commercial theater na hanggang sa kasalukuyan ay nakasara pa.

Samantala, ang bilis naman ng pangyayari dahil kahapon ay naglabas ng nominees para sa Gabi ng Parangal at laglag sa listahan sina Jinggoy Estrada and Alfred Vargas.

vuukle comment

MERRY CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with