^

Pang Movies

Bago na ang birthday... Allan K, nag-celebrate ng second life!, Wally, napagod sa pandemic

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bago na ang birthday... Allan K, nag-celebrate ng second life!, Wally, napagod sa pandemic

Grabe pala ang pinagdaanan ni Allan K, ngayong pandemic.

Bukod sa dalawang kapatid niya ang namatay na hindi man lang niya nakita, severe ang naging condition niya nang magka-COVID. Na-ICU pa siya sa isang hospital sa Pasig ng tatlong araw.

Sa umpisa ay hindi naniniwala si Allan na nahawa siya ng virus dahil nag-iingat daw siya sa tuwing lalabas ng bahay.

Pero hindi gumaling ang ubo at lagnat niya kahit anong inumin niyang gamot hanggang nawalan siya ng pang-amoy at panlasa.

Kaya nang mag-positive ay natakot siya dahil diabetic pala ang komedyante / TV host at may edad na rin.

Kaya naisip niya raw na ‘pag ganun namamaalam na. “Parang binagsakan ako ng mundo, parang ano ba? Ano ba ‘to, hindi pa tapos ‘yung taon no?” pag-aalala niya sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga last Saturday.

Bukod sa namatay niyang dalawang kapatid, ang pagkakasakit niya ay nagsara pa ang mga comedy bar niya dahil nga health crisis.

Pero kumapit daw siya sa Diyos. “Kumapit ako sa favorite ko na verse sa Bible, Exodus 50 verse 26.”

Kahapon at binati siya ng happy birthday nang mag-post ng “Time to celebrate life!!!!! My second life!!!!”

Si Wally Bayola naman ay aminadong naging pabaya at naniwalang walang COVID. “Masyado akong naging paniwalain sa mga nakikita ko sa social media na ah wala namang COVID. Ano lang yan, hindi naman totoong may COVID. So parang nadala ako, hindi ako nagma-mask. Parang napagod na ako magmask, napagod na ako ng face shield,” sabi ng komedyante.

Banggit pa nito, pumapayag pa siya sa selfie at nagtatanggal pa siya ng mask.

Kaya ang paalala niya : “‘Wag n’yo pong ilagay sa isip ninyo na walang pandemya. Meron po. Kasi ako po naranasan ko po. Naramdaman ko at nag-suffer po ako. Meron pong COVID virus. ‘Wag tayong maging relaxed. ‘Wag nating isipin na gawa gawa lang ‘yan,” dagdag pa nito.

Bukod kina Allan K at Wally, ay kasama rin sa tinamaaan ng virus ang personal assistant ni Alden Richards na ambassador pa naman ng DOH kontra virus.

Dalawang beses itong nag-positive pero luckily, hindi niya nahawaan si Alden na parati niyang kasama though kinailangan pala nitong mag-quarantine at i-cancel ang ibang trabaho.

vuukle comment

ALLAN K

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with