^

Pang Movies

Mga nagbabasa ng dyaryo ‘di mapilit sa social media; F4 gumawa ng eksena sa Manila noong 2003

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Wow, 17 years old na ang Pang Masa.

Hindi mo talaga namamalayan ang pag­lipas ng panahon, pero debut na pala ng aming tabloid next year na brainchild ng aming mabait na boss na si Sir Miguel Belmonte.

Taong 2003 nang iluwal ng PhilStar Media Group ang PM na nanatiling matibay hanggang sa kasalukuyan.

Kahit may pandemya at isa ang print media sa naapektuhan, lumalaban ang Pang Masa.

Maraming naganap noong 2003 sa entertainment scene kabilang na ang concert ng F4 with Barbie Hsu - na sumikat sa Meteor Garden - sa PhilSports Arena (Ultra) kung saan walong katao ang nasaktan nang masira ang gate nito sa kalagitnaan ng concert ng sikat na Taiwanese group.

Nagkaroon din that year ng concert sa Manila si Mariah Carey and another event ng F4 sa Taguig.

Pero pinaka-sad na naganap ay ang kay Miko Sotto kung saan nahulog ang matinee idol sa condominium building noong 2003.

Anyway, tumatak na ang Pang Masa sa mga mambabasa particular na sa probinsiya.

Gusto nila ito dahil siksik ang laman, hindi bo­ring basahin dahil hindi mahahaba ang kuwento pero tama at updated ang mga chika.

Oo nga at sinasabing lamang na ang new media / social media sa kasalukuyan, pero tulad sa kasabihan, you can’t teach old dog new tricks.

‘Pag nagbabasa ka ng dyaryo, hindi mo sila puwedeng piliting mag-social media. Hinahanap ng mga nagbabasa ng dyaryo ang style at format ng hard copy ng balita lalo na ang mga may edad na.

Maraming salamat, dear PM readers. Salamat sa tiwala at pagtangkilik. Salamat sa aming mga boss sa pangunguna ni Sir Miguel. Cheers to another 17 years.

Aicelle, nanganak na

Nanganak na the other day ang singer / stage actress na si Aicelle Santos. First baby nila ito ng husband niyang si Mark Zambrano ng GMA News. Sa kanyang Instagram account ay nag-post ito ng pasasalamat sa kanyang panganganak : “Hello everyone! Just droppin’ by to say i came out of mommy’s tummy yesterday morning!”
I cried really loud, slept the whole day, had some of mommy’s milk and was up all night until 7am today! Fantastic!”
“I want to thank our doctors: Dr. Angel Tan-Espi­ritu, Dr. Darwin & Dr. Aileen Atanacio and Dr.-Tita Nadine Zambrano, and the hospital staff who are taking good care of me, mommy and daddy! 
“Our family is grateful for everyone’s well wishes.
Lastly, we Praise and give thanks to our Lord Jesus Christ for a miracle that is me, ZANDRINE! Thank you Papa God! We love you.”
Love and blessings to all!”

Nauna nang sinabi ni Aicelle sa isang virtual interview na hindi sila kukuha ng yaya at sila mismo ang mag-aalaga sa kanilang baby lalo na nga at virtual pa lang din naman ang mga happening.

Float-in cinema magbubukas na

Meron na rin palang float-in cinema sa isang mall sa Taguig City. Naka-earphones daw ang lahat ng mga mano­nood kung saan magpapalabas ng pelikula sa 12 x 7 meters screen.

Next week pa raw itong magbubukas na ang admission fee ay P500 per head or P1,000 kasama na ang gondola ride, snacks, bottled water and personal kits.

Wow, puwede ka­yang ipalabas dito ang mga kasaling pelikula sa Metro Manila Film Festival?

MIGUEL BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with