^

Pang Movies

Patricia at Amerikanong asawa, nagpapagawa ng mansion

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Patricia at Amerikanong asawa, nagpapagawa ng mansion

Masayang ibinalita ng singer-actress-entrepreneur at beauty queen na si Patricia Javier na nasa construction na ang dream house nila ng kanyang American husband na si Doc Rob Walcher na matatagpuan sa isang exclusive subdivision in Antipolo City na siya ring hometown ni Patricia.

Ayon sa singer-actress, katuparan na umano ito ng kanilang mga pangarap na mag-asawa na nag-relocate sa Pilipinas in 2014 kasama ang kanilang dalawang anak na sina Robert (12) at James (9).

Although may maganda na silang three storey townhouse unit sa isang exclusive place in Quezon City kung saan sila nakatira ngayon, they will still keep the place as their half-way house dahil malapit ito sa kanilang Quezon City clinic, ang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic.

Aminado si Doc Rob na major decision ang kanilang ginawang relocating sa Pilipinas not knowing kung magki-click ang kanilang clinic dito. Ibinenta ni Doc Rob ang bahay nila sa San Diego, California, USA maging ang kanilang chiropractic clinic. Ayon pa sa chiropractic doctor, it was a major decision on his part. Pero kapag walang nangyari sa kanila sa Pilipinas, babalik umano sila ng Amerika. “The first 6 months here was tough,” pag-amin ni Doc Rob.

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang mag-asawang Patricia at Doc Rob hanggang unti-unting makilala si Doc at ang chiropractic treatnment sa Pilipinas. Dito nila inumpisahan ang kanilang ­unang clinic in Quezon City na nasundan ng tatlo pang branch in Makati, Alabang at Cavite.

Samantala, ang mala-mansion na bahay nina Patricia at Doc Rob ay nakatayo sa isang almost 1,500 sqm. lot at magkakaroon ng sampung kuwarto at elevator. “I thank God for the blessings,” natutuwang pahayag ng outgoing Ms. Noble Queen of the Universe title holder.

PATRICIA JAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with