April boy matagal nakipaglaban sa sakit, namatay sa edad na 59
Ang sad na naman ng balita kahapon ng umaga.
Pumanaw na rin ang OPM icon na si April Boy Regino.
Siya ay 59 years old.
Ang misis niyang si Madel de Leon-Regino ang nakausap ni Nay Cristy Fermin tungkol sa pagkawala ng iconic OPM singer na nagpasikat sa mga kantang tumatak talaga sa mga Pinoy na mahilig sa musika - Hindi Ko Kayang Tanggapin, Umiiyak Ang Puso, Paano Ang Puso Ko at maraming-marami pang iba.
Acute respiratory disease-kidney disease stage 5 ang cause of death ng singer matapos siyang isugod sa Metro Hospital sa Antipolo.
Unang nagkaroon ng prostate cancer si April Boy noong 2008 habang kasikatan niya.
Nagpagamot siya sa Amerika at gumaling.
Pero hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng diabetes na naging dahilan ng kanyang pagkabulag.
Dalawa ang anak nina April Boy at Madel na parehong nasa Amerika kaya ang kanyang misis ang nagsakripisyo sa jukebox singer habang nakikipaglaban ito sa kanyang karamdaman.
Sa dagdag na kuwento ng naiwang misis ni April Boy na nagpauso ng paghahagis ng sumbrero habang kumakanta, year 2015 nang maramdaman niyang nagpapanggap lang na malakas ang asawa.
“Ako po ang nagpapaligo sa kanya, ako ang nagsi-shampoo ng mahaba niyang buhok, pero sabi niya sa akin, ‘Mahal, magpapagupit na ako ng buhok, ayokong nahihirapan ka.’
“Umiyak po ako nang umiyak nu’n, alam ko kasi kung gaano niya kamahal ang buhok niya, ‘yun po ang image niya, ang tatak niya, pero isinuko na po niya.
“Alam ko, hindi ako ang dahilan ng pagpapagupit niya, siya ang hirap na hirap na, kaya nagpagupit na siya. Mahal na mahal ko po si April, nagsimula kami sa wala, nu’ng makilala siya, wala pong naging pagbabago ang turing niya sa akin, matindi ang respeto niya sa aming mag-iina,” ang buong kuwento ng misis ng singer na talaga namang ang daming sumikat na Tagalog song.
Paglalamayan ito sa kanilang Idol Star Bar sa Marikina.
K-Drama na tungkol sa panloloko ng asawa, mapapanood na sa GMA
Mapapanood na sa GMA 7 ang South Korean drama na VIP.
Iikot ang kuwento ng office mystery drama na ito kay Janine (Jang Na-ra), na deputy head ng VIP management team ng Sung Un Department Store. Kasama niya sa trabaho ang kanyang asawang si Simon (Lee Sang-yoon) na team leader ng parehong management team.
Tinitingala ang dalawa dahil sa mataas nilang posisyon at mala-perpektong pagsasama. Naniniwala si Janine na kailanman ay hindi siya bibiguin ni Simon. Ito ay hanggang sa makatanggap siya ng isang anonymous text message na nagsasabing may kalaguyo ang kanyang asawa at ito ay isa sa mga babaeng katrabaho nila sa VIP management team.
Ibabaling ni Janine ang suspetsa sa tatlong babae sa team: ang bagong recruit na si Yuri (Pyo Ye-jin), si Eula (Lee Chung-ah) na kababalik lang sa trabaho matapos ang isang malaking iskandalo, at si Mina (Kwak Sun-young) na desperadong makakuha ng promotion.
Sino sa kanila ang kabit ni Simon?
Sa paghahanap ni Janine sa katotohanan, mas marami pa siyang sikretong matutuklasan.
Mag-uumpisa ito ngayong Nobyembre 30, Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.
- Latest