^

Pang Movies

Lesha, nagbalik-tanaw sa malungkot na karanasan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng rising Star Music artist na si Lesha ang matinding lungkot na naramdaman sa bagong single na sad songs, na mapapakinggan na sa iba’t ibang music platforms ngayong Biyernes.

“Sinulat ko ang ‘sad songs’ noong time na nag-struggle ako na hanapin ang sarili ko sa lahat ng ingay at negativity sa paligid,” kwento ni Lesha. “I’m a naturally happy and bubbly person, kaya’t naging heartbreaking ang panahon na hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa lungkot na naramdaman ko.”

Ang “sad songs” ay isang awitin ng paglimot at pagbangon mula sa pagiging ‘trapped’ sa pag-ibig na nagtapos na.

“Gusto ko ring ipadama ang frustration ko sa pagiging ‘stuck,’ na relatable ngayon dahil sa pandemya,” dagdag pa ni Lesha.

Sinusundan ng bagong awitin ang huling solo release ng singer-songwriter na Ciao, Bella, na tumanggap ng suporta mula sa iba’t ibang music platforms tulad ng Apple Music at Spotify.

Isa rin si Lesha sa mga umawit ng kantang Heal, na kolaborasyon ng Southeast Asian female artists na handog ng ABS-CBN Music International para makalikom ng pondo para sa Pantawid ng Pag-ibig.

Pakinggan ang sad songs simula ngayong Biyernes sa iba’t ibang streaming platforms.

STAR MUSIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with