^

Pang Movies

Alden at Kathryn, makukuha na ang phenomenal awards

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong gabi na, October 18, ang virtual awards night ng 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarships Foundation (GMMSF), at mapapanood ang kabuuan nito sa TV5 at sa Facebook ng Box Office Entertainment Awards mula 9:00PM hanggang 11:00PM.

Virtual shoot ang mga host na sina Robi Domingo at Bianca Gonzales. Ang mga song numbers ay provided nina Darren Espanto, December Avenue, Martin Nievera and Regine Velasquez-Alcasid.

Ang acceptance speech ng lahat ng mga winner ay online.

Dapat ay noon pang March 15, 2020 ginanap ang awards night sa Resorts World Manila, pero hindi ito natuloy dahil nagsimula na ang ECQ lockdown bunga ng Covid-19 pandemic.

Tatanggap ng awards  bilang Phenomenal Stars of Philippine Cinema sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa movie nilang Hello Love Goodbye na kumita ng more than 1 billion pesos nang ipalabas ito sa bansa on July, 2019. 

Tinanghal namang Box Office King and Queen respectively sina Aga Muhlach at Xia Vigor para sa movie nilang Miracle in Cell No. 7 na kumita ng 600 million pesos. Ang mga kinita nila ay mula sa nationwide and international gross sales.

Pareho namang nagwaging Film Actor of the Year sina Aga Muhlach at Alden Richards at Film Actress of the Year si Kathryn Bernardo.

Ilan pa sa mga winner sa iba’t ibang category: TV Actor of the Year sa primetime si  Coco Martin at JM de Guzman sa Daytime.  TV Actress of the Year si Angel Locsin sa Primetime at Dimples Romana sa Daytime. Comedy Actor of the Year si Paolo Ballesteros at si Maine Mendoza ang Comedy Actress of the Year.  Male TV Hosts sina Jose Manalo/Wally Bayola/Paolo Ballesteros at si Tony Gonzaga ang Female TV Host.  

May mga tatanggap din ng mga Special Awards.

Direk Gina, nagpaliwanag

Inalis na ni director Gina Alajar ang lungkot ng fans ni Sofia Pablo, si Donna Lynn or Len-Len sa GMA Afternoon Prime na Prima Donnas.

Last month na nagsimula ang lock-in taping ng serye, lumabas ang statement mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi maaaring magtrabaho ang mga minors na 15 years old pababa.

“Gusto po lamang naming ipaliwanag kung bakit mawawala si Len-Len sa show, hindi po namin desisyon iyon, kung kami po ang masusunod, ayaw namin, because Sofia is part of the show and we all love her. Pero mayroong kaming dapat sundin na rules from DOLE,” ani Direk Gina.

BIANCA GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with