Death anniversary ni Amalia Fuentes, nakalimutan pati ng mga apo
Parang unbelievable pero totoo, na ayon sa kuwento ng D’Wonder Films producer at daddy ni Niño Muhlach na si Alex, na wala man lang daw nakaalala or dumalaw sa puntod ng Miss Number One Amalia Fuentes sa Loyola noong first death anniversary nito.
Ni isa raw sa mga apo ni Nena at maski ang manugang na si Albert Martinez ay hindi naaninag ang anino roon.
Nagpamisa si Alex para sa kanyang kapatid na si Nena, ngunit ni isa sa mga Amalians ay wala ring nakaalala sa anibersaryo ng pagkamatay ng showbiz icon.
Nakakalungkot isipin na kapag namatay na ang isang minamahal o iniidolo, nakakalimutan na ito.
Malungkot sina Alex at Niño sa naging kapalaran ng yumaong aktres.
Dating movie producer, tuloy ang pagtulong
Parang hindi naman totoong malungkot ang darating na Pasko dahil sa ‘pandemonic’ na COVID-19. Mula kasi sa Toronto, Canada ay tumanggap kami ng maagang Christmas gift galing sa dating movie producer na si Ms. Isabelita Santos. Kilala siya sa pangalang Ate Lita at naging takbuhan ng mga artista at staff ng kanyang production na may mga kailangan.
Buhat noong mag-quit siya sa pagpo-produce ay sa Toronto, Canada na siya nanirahan kasama ang pamilya. Nagkakausap sila ng mga dating artista tulad nina Beverly Vergel at Patrick Guzman sa Canada.
Sabi nga ni Ate Lita, huwag tayong papatalo sa mga negatibong bagay habang nakikipaglaban sa salot na galing China at huwag bibitaw kay Lord.
MMFF 2020, malabo sa Pasko
Wala man lang kaingay-ingay na naririnig kung matutuloy pa ba ang Metro Manila Film Festival.
Hindi ito gaya ng dati na kaliwa’t kanan ang pag-iingay nina Vic Sotto, Coco Martin, Vice Ganda at iba pa.
Totoo kaya ang hinala ng ibang netizens na baka hindi na ituloy ang MMFF, dahil alam nilang hindi ito kikita ng pera sa takilya dahil sa social distancing?
Imagine, paano nga kaya natin mapapanood ang isang pelikula habang naka-suot ng face mask at face shield? Parang ang hirap naman, talagang penitensya ito sa atin.
- Latest