^

Pang Movies

Caridad, mahilig sa aso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Caridad, mahilig sa aso
Caridad

Alam mo ba, Salve, kung bakit nag-start ang hilig ko sa dogs at nagkaroon ako ng halos 54 doggies in my house? Naaalala mo ba ‘yung darkest moment ng kagagahan sa buhay ko, ‘yung ginawa kong filmfest scam?

After na maganap iyon at nagalit sa akin ang buong Pilipinas, tinawagan ako sa telepono ni Caridad Sanchez. Kino-comfort niya ako, telling me not to despair, na galit man ang ibang tao sa akin ay tiyak niya na meron pa ring nagmamahal at may tiwala sa akin.

Caridad Sanchez was the one na nagsabi na walang involved na pera sa scam, walang namatay, at ang guilt ko lang ay ‘ninakaw’ ko ang moment ng mga tunay na nanalo. Binibigyan niya ako ng words of encouragement, pinalalakas ang loob ko.

Tapos sabi niya ‘ay alam ko na, bibigyan kita ng pet, para ‘pag malungkot ka, sasaya ka,’ at pinadala niya sa akin ang isang Shih Tzu puppy, ang unang-una kong naging alagang aso. Siya rin ang nagsabi na ipangalan ko sa dog ay Pokpok, dahil malikot at maingay ito. That time, nagbi-breed si Caridad ng mga Shih Tzu.

For a while after that, meron kaming communications, kinukumusta niya ako, nag-e-exchange gifts kami ‘pag Christmas. Then biglang naputol ‘yung tawagan, at napuna ko na hindi na gaanong busy si Caridad sa acting.

Medyo may pagka-private si Caridad, kaya nang hindi na siya tumatawag at parang ayaw muna makipag-communicate, hinayaan ko at iginalang. Hanggang ngayon na inilabas ng anak niya na si Cathy ang kalagayan nito. ‘Yung dementia, pero malusog naman ang katawan.

Siguro nga iyon na ang pinakamagandang balita, na kahit may mga nakalimutan siyang mga bagay, mabuti pa rin ang kanyang katawan at walang sakit.

I owe my second wind to Caridad Sanchez, she gave me hope and light at my darkest time, she showed me love and trust at my lowest. She started my love for dogs, and I will never ever forget that. I will always pray for her, and wish that she will overcome this, standing tall, with pride.

Salute to her daughter na nagsabi na aalagaan siyang mabuti kahit na mahirap, dahil mahal niya ang mother niya.  You will always be in my prayers, Caridad Sanchez, thank you for the love. 

TIPMMG inuulan ng pagmamahal...

Sana every Tuesday, Salve, sa Take It… Per Minute Me Ganun ay kagaya last Tuesday na sobra ang nagpadala ng mga pagkain sa atin. Grabe talaga ‘yung show of support kaya naman halos three days na meron akong meryenda sa bahay. Hindi sa ano pa man, pero siguro hindi alam ng iba kung gaano kababaw ang kaligayahan natin sa TIPMMG, iyon bang siguro naman ang daling bumili at kaya naman natin, pero ‘yung thought na heto at ipinapakita ang suporta sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pagkain at sitserya, parang nakakataba talaga ng puso.

Sa totoo lang po, siguro sa tagal namin sa showbiz dapat medyo jaded na ang puso namin at wala nang puwede pang magbigay ng ligaya, pero it melts our heart ‘pag nakikita ‘yung effort na mabigyan kami kahit ng maliit na bagay.

Kaya nga excited at looking forward ako lagi sa pagdating ng Tuesday ng tanghali, 12 to 1 ng tanghali sa Facebook at YouTube, ‘yung isang oras na chikahan namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu, ‘yung tawanan lang, huwag n’yo masyadong seryosohin at huwag masyadong lagyan ng malisya ang mga balita at blind items, enjoy lang po.

 Huwag n’yo forget ha, Tuesday 12 to 1 p.m. sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON at YouTube Channel. 

CARIDAD SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with