^

Pang Movies

Sherilyn Reyes naloko sa negosyo, dusa pa rin sa pagbabayad

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa isang basher ng kanyang anak, hindi naiwasan ni Sherilyn Reyes na ilabas na naloko pala siya sa kanyang negosyo noong 2019 at malaking pera ang nawala sa kanila.

Sa kanyang Instagram ay sinabi ni Sherilyn na naging mahirap ang pinagdaanan nilang financial crisis kaya nakikiusap ito sa bashers ng kanyang anak na si Ryle Santiago na huwag namang pag-initan ito.

“WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon. Sa kasamaang palad, na swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw-araw at gumagapang para mabayaran ang utang na ‘di naman amin.

“Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit.

“Gagawin mong lahat para masigurong matupad mo buwan buwan ang obligasyon mo, sa mga panahong nalulungkot ka at naiiyak, pipilitin mong ngumiti nang ‘di rin maging malungkot ang pamilya mo.

“Na araw araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa ‘yo pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo.

“Na araw-araw pinagpapasalamat mo na ang asawa mo ay nagpapakumbaba sa mga tao para makiusap dahil kayo ay naloko sa negosyo.”

Iwa, hirap na hirap sa pagbubuntis

Proud na pinakita ni Iwa Moto ang kanyang baby bump sa social media. “Hello, baby! Mommy just wants to say I love you so much!” caption pa ni Iwa.

Second child nila ito ng kanyang partner na si Pampi Lacson. Noong nakaraang July in-announce ni Iwa na siya ay pregnant.

Hindi rin tinatago ni Iwa na mas nahihirapan siya ngayon sa ikalawang pagbubuntis niya. Matindi raw ang naging morning sickness niya at hindi siya nakakakain nang maayos dahil lagi siyang nagsusuka.

“Sad... di pa nga ako tapos kumain suka agad.. anak ano ba pinahihirapan mo na ako. Hayy anak. Hanggang kelan tayo ganito. Amoy suka ako palagi! Ano ba gusto mong pagkain! Lahat na sinubukan ko!!”

Dahil ayaw niyang uminom ng mga gamot, ginagamit ni Iwa ay essential natural oils para maibsan ang mga nararamdaman niya sa kanyang pagbubuntis.

“To help me sleep, I use lavender. I mix lavender, cedar wood and a little bit of lemon. These three combos helps me go to sleep. A lot of you guys know that I have insomnia, lagi akong puyat, laging post ko nagse-senti ako.”

Ellen, nag-sorry

Sa pagbabalik ng new season ng talk show na Ellen, kahit na walang audience sa studio dahil pinagbabawal pa dahil sa COVID-19 pandemic, nagsalita na si Ellen DeGeneres sa matitinding issues na pinukol sa kanya sa mga nagdaang buwan.

Kabilang sa in-address ni Ellen ay ang pagiging toxic sa workplace sa kanyang show at ang hindi pagiging “kind” niya sa totoong buhay.

“I learned that things happened here that never should have happened. I take that very seriously, and I want to say I am so sorry to the people who were affected.

“I know that I am in a position of privilege and power, and I realize that with that comes responsibility, and I take res-ponsibility for what happens at my show. We have made the necessary changes, and today we are starting a new chapter.

“There are articles in the press and on social media that said that I am not who I appear to be on TV, the ‘Be Kind’ lady.

“I started saying “be kind” after Tyler Clementi’s 2010 suicide as a result of anti-gay bullying. I thought the world needed more kindness, and it was a reminder that we all needed that. And I think we need it more than ever right now.

“The truth is, I am that person that you see on TV. I am also a lot of other things. Sometimes I get sad. I get mad. I get anxious. I get frustrated. I get impatient. And I am working on all of that.”

“I’ve played a straight woman in movies, so I’m a pretty good actress. But I don’t think that I’m that good that I could come out here every day for 17 years and fool you.

“If I’ve ever let someone down, if I’ve ever hurt their feelings, I am so sorry for that. If that’s ever the case, I have let myself down and I’ve hurt myself as well, because I always try to grow as a person.”

“All I want is for every single one of them to be happy and to be proud to work here. My hope is that we can still be a place of happiness and joy. I still want to be the one hour a day that people can go to escape and laugh. I want to continue to help all the people that we help every day, and I am committed to making this the best season that we have ever had.”

SHERILYN REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with