^

Pang Movies

Pemberton, biktima rin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pemberton, biktima rin

Hindi ko rin maintindihan ang mga nangyayari kung minsan. Like ‘yung kay Joseph Scott Pemberton. Hindi ba tayo pag may nagawang krimen ang kababayan natin sa ibang bansa, kung minsan nagpa-fundraising pa tayo para sa blood money para mapauwi siya rito sa Pilipinas, at pagdating dito, masaya natin siyang sinasalubong?

Hindi ba kahit pa nga ang nagawa ng kababayan natin ay makapatay ng dayuhan sa abroad, we still fight and wish na sana ma-grant siya ng pardon para makabalik sa pamilya niya?  Nakulong si Pemberton ng limang taon, 19 years old siya nang mahatulan, kumbaga, teenager siya, alone at nasa ibang bayan.

Siguro tulad din natin na ipinagdarasal na makalaya ang kababayan natin, ganoon din ang dasal ng pamilya niya.  Binayaran din ang lahat ng dapat ibayad sa pamilya Laude, at tulad nila, pareho rin siguro ang sakit na nadama ng kabilang pamilya. Ang pagkakaiba lang, hanggang ngayon ay ayaw pa nating patawarin si Pemberton.

Bakit? Hindi pa natin alam kung gaano winasak ng limang taon ang utak at puso ni Pemberton. Kung normal pa rin ba ang magiging buhay niya, kung gaano rin kasakit sa puso ng pamilya niya na sa edad na 19 ay nakulong ang anak nila, ‘yung guilt na nakapatay ng isang tranny ang 19 years old na anak mong lalaki.

Hindi magiging maayos ang buhay na tatahakin ni Pemberton kahit na nakalaya na ito. Totoo, hindi makakalimutan ang nagawa niyang krimen, pero the act of moving on dapat na nating gawin. Forgive us on our trespasses as we forgive those who trespass against us.  Lahat sila ay biktima ng mga pangyayari, huwag na tayong maging hadlang sa darating pang pagbabago sa buhay nila, patahimikin na natin sina Laude at Pemberton. 

Talent manager malaking tulong

Talagang maganda rin sa isang artista ang merong manager.

Tulad nila Alex Gonzaga, Ivana Alawi at Heaven Peralejo na naayos agad ang issue dahil tinawagan ako at ipinaliwanag ang side nila sa article at post ko sa IG. Ang ganda ng paliwanag ni mommy Pinty ni Alex, papa Perry Lansigan (manager ni Ivana) at Ogie Diaz (manager ni Heaven) sa side ng mga alaga nila kaya nakita ko ang tunay na pangyayari.

Dahil nga pag merong manager madaling gumawa ng tulay, maayos ang mga hindi pagkakaunawaan, at nabubuksan ang mata mo sa tunay na pangyayari lalo pa nga at hindi mo kilala personally ‘yung involved gaya ng nangyari sa akin.

So thankful talaga dapat ang mga artista sa manager nila dahil marami ang naayos dahil sa kanila.

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with