Manay Ichu, maraming nagawa sa movie industry
Maria Azucena Vera Perez-Maceda (Marichu) popularly known in the industry as Manay Ichu ay sumakabilang-buhay kahapon, September 7, 2020 sa edad na 77 dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit sa kidney at heart ailment.
Si Many Ichu ay panganay sa pitong anak ng yumaong producers ng Sampaguita Pictures na sina Dr. Jose Perez at Gng. Azucena `Mama Nene’ Vera-Perez.
Napangasawa naman niya ang yumaong lawyer-politician, columnist at dating senador na si Ernesto Maceda, Sr. kung kanino siya hiwalay at nagkaroon sila ng limang anak na pawang lalake – sina Edward (dating konsehal-turned Representative sa ika-4th district ng Manila), Edwin, Edmond, Emmanuel at Ernesto `Ernest’, Jr.
Sa pitong magkakapatid, si Manay Ichu ang paboritong anak ni Dr. Jose Perez at siyang nagmana sa kanyang parents sa pagiging isang movie producer.
Ang Sampaguita Pictures ay itinatag noong pre-war in 1937 at naging tahanan ng pinakamalalaking stars.
Bilang movie producer, isa sa mga classic films na prinodyus ni Manay Ichu ay ang Batch 81 na pinagbidahan ni Mark Gil mula sa direksiyon ni Mike de Leon.
Tumigil man si Many Ichu sa pagpu-produce ng pelikula ay naging aktibo naman ito sa iba’t ibang organisasyon ng film industry.
Bago siya pumanaw ay si Manay Ichu ang tumayong chairperson ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) na itinatag ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada para sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino. Isa rin siya sa tumayong miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival. Isa rin siya sa nagbuo ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ngayon ni Chairperson Liza Diño, ang Experimental Cinema of the Philippines maging ang Philippine Motion Pictures Producers Association at iba pa.
Ang mga labi ni Manay Ichu ay nakalagak sa Arlington Memorial Chapels along Araneta Avenue, Quezon City.
Mula sa amin dito sa Pang Masa (PM), ang aming taos pusong pakikiramay sa mga naulila ni Manay Ichu.
- Latest