^

Pang Movies

Atty. Joji, tutulong sa mga teacher na nagba-barter ng mga halaman

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nadurog ang puso ng lawyer-producer-director na si Atty. Joji Alonso nang makita ang isang post sa social media tungkol sa teachers sa Oriental Mindoro na bina-barter ang tanim na halaman upang ipagpalit sa school supplies.

Sa screenshot ng post, pinangunahan ng school principal ng Campaasan Ele­mentary School na si Lucy Ferranco ang launching ng program nilang Halaman Ko, Barter Mo para sa school supplies ng kanilang mag-aaral.

Agad nakipag-ugnayan si Atty. Joji sa principal upang tugunan ang pangangailangan. Bukod sa kanyang donation, hihingan din niya ng tulong ang mga kaibigan.

Ibinigay naman ng principal ang details ng kanyang bank account at ipapakita ang resibo ng bibilhing school supplies.

Naka-post sa Facebook page ng Quantum Films’ Executive Producer ang panawagan at puwede ring ipadaan sa kanya ang tulong.

JOJI ALONSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with