^

Pang Movies

Eddie Ilarde, hindi COVID ang ikinamatay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagluluksa ang Philippine Broadcast industry sa pagpanaw ng radio and TV icon na si Eddie Ilarde sa edad na 85.

Pumanaw ang veteran radio and TV personality noong August 4 sa kanyang tahanan sa Makati City.

Ayon sa pamilya ni Eddie, wala raw kinalaman sa COVID-19 ang pagkamatay nito pero iki-cremate nila ang katawan nito.

Nakilala si Eddie dahil sa pag-host niya ng noontime show na Student Canteen mula 1958 hanggang 1990. Nakasama niya rito sina Leila Benitez, Bobby Ledesma, Helen Vela at Coney Reyes.

Sikat naman ang mga naging radio programs niya na Kahapon Lamang, Dear Kuya Eddie at Napakasakit Kuya Eddie.

Ang iba pang shows ni Kuya Eddie ay The Eddie Ilarde Show, Darigold Jamboree, Suwerte Sa Siyete at Alas Dose Sa Trese.

Pinasok din ni Eddie ang mundo ng politics bilang councilor ng Pasay City mula 1963 to 1965. Naging Assemblyman din siya mula 1978 to 1984.

Na-elect din siyang senador noong 1972.

Miguel, nabigla sa 2 milyong followers sa TikTok

Nagulat si Miguel Tanfelix sa 2.5 million followers niya sa TikTok. Hindi raw niya inasahan na biglang darami ang followers niya dahil parang kelan lang siya nagsimula na gumawa ng videos para sa TikTok.

“Thankful po ako sa mga followers natin dahil sila ang nagbigay ng sigla sa akin para gumawa pa ng maraming videos.

“Sinimulan ko sa pag-post ng workout videos na puwedeng gawin during quarantine. Tapos sinundan ko na ng mga dance videos. Gustung-gusto nila yung nga transitional videos na ginagawa ko.

“May effort po ang lahat ng videos na pinu-post kaya siguro maraming natutuwa,” ngiti ni Miguel.

Isa pang pinapasalamat ni Miguel ay ang pagkuha sa kanya bilang bagong ambassador ng international clothing brand na H&M. Si Miguel ang celebrity endorser ng #HMGenStreet.

Fil-Am trans nominated sa Emmy

Ang Filipina-American transgender na si Rain Valdez ay nakatanggap ng nomination sa Primetime Emmy nomination for Outstanding Actress in a Short Form Comedy or Drama Series for her lead role sa web series na Razor Tongue.

Si Rain ang second transgender na ma-nominate sa Emmy at kauna-unahang Fil-Am transgender na makakuha ng Emmy nomination.

Si Rain din ang creator at producer ng Razor Tongue.

Ang kanyang 7-part web series ay nagkaroon ng international premiere sa Toronto at InsideOut Film Festival last year. Nag-US premiere ito in San Francisco, Outerfest Film Festival in LA at Frameline Film Festival noong June 2019.

Naging founder din si Rain ng ActNOW, ang first and only acting class in Los Angeles prioritizing a safe space for LGBTQIA actors.

Inamin ni Rain na natakot siyang aminin noon na isa siyang transwoman.

“I was afraid for the longest time. I never wanted to admit that I was a trans woman. I had my own internal transphobia. In fact, when I encounter new people and the subject of my trans identity comes up, usually the first question they ask is, “When did you know you were trans?”

EDDIE ILARDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with