^

Pang Movies

Nora, may pag-asa na sa National Artist award?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, may pag-asa na sa National Artist award?!
Nora

May announcement na bukas na naman ang nominasyon para sa mga gaga­wing National Artists. Ang mga nominado ay dadaan  sa mahigpit na pagkilatis na ginagawa ng isang nomination committee na binubuo ng mga kinatawan ng Cultural Center of the Philippines at ng National Commission for Culture and the Arts. Sinasabi nga nilang baka sa ngayon, mas madali ang proseso, kasi ngayon lang nangyari na ang presidente ng CCP at Chairman ng NCCA ay isang tao lamang, si Arsenio Nick Lizaso. Kaya inaasahang mas mabilis ang mga usapan.

Ang susunod na tanong, makakalusot na kaya sa pagkakataong ito si Nora Aunor para ideklarang national artist? Nominado na walong taon na ang nakararaan si Nora, pero ang nominasyon sa kanya ng CCP at NCCA noon ay hindi pinansin ng presidenteng si PNoy.

Wala naman silang magagawa, kasi ang isang national artist ay maitatalaga lamang sa pamamagitan ng isang presidential proclamation, at iyon ay prerogative ng presidente.

Ang issue noon ay dahil daw sa naging kaso ni Nora sa US. Noong sumunod na pagkakataon, nagkaisa rin ang CCP at NCCA na hindi na kailangang dumaan si Nora sa scrutiny ng committee, automatic na ang kanyang nomination. Pero sa pagkakataong iyon, ang nominasyon niya ay winalang halaga rin ni Presidente Digong. Walang ibinigay na paliwanag kung bakit.

Sa pagkakataong ito, na sinasabi ngang mukhang malaki ang tiwala ng presidente kay Lizaso, katunayan ang sabay niyang appointment sa CCP at NCCA, at si Nick Lizaso naman ay sinasabing kaibigan ni Nora in the past, at nagkasama pa sila sa ilang pelikula, lumusot na kaya ang nominasyon ni Nora Aunor bilang national Artist?

Depende iyan sa magiging desisyon ni Presidente Digong. Nasa kanya pa rin ang final decision.

Ate Vi pabor na ibalik ang ECQ

Hindi maikaila ni Congresswoman Vilma Santos na naalarma rin siya sa pagrami ng COVID-19 cases sa isang barangay sa Lipa, kaya nasabi rin niyang pabor din siya sa mabilis na desisyon ng mayor ng Lipa na maghigpit sa mga lumalabas at pumapasok sa lungsod.

Maski na ang mga nagtatrabaho sa lungsod na mula sa ibang lugar, makakapasok lang sa Lipa kung may COVID-19 rapid test results, o swab test na maipapakita sa pagpasok sa lungsod.

Maging ang mga residente, sinabihang huwag munang lalabas ng kanilang mga tahanan liban na lang kung talagang kailangan. Naka-General Community Quarantine rin naman ang Lipa, pero sa kautusan ng LGU ay magkakaroon ng lockdown sa mga delikadong lugar.

“Pabor ako sa ginawa ni mayor. Maski naman ang mga doctor at iba pang health workers na nakakausap ko, nagsabi sa akin na hindi dapat masyadong maluwag sa Lipa. Gusto nga nila ibalik ang Lipa sa ECQ, pero iba ang desisyon ng gobyerno para nga maisulong naman ang ekonomiya. Pero kung may mga ganyan ngang problema, maaaring magdeklara ng lockdown para sa kaligtasan ng lahat. Kami naman ni senador (Ralph Recto), pinakilos na namin ang mga tauhan namin para maghandang makapagbigay kahit na kaunting ayuda kung magtatagal ang lockdown na iyan,” sabi ni Ate Vi.

“Mabuti ang pagsisimula ng paghihigpit natama sa weekend. Hindi masyadong mabibigla ang mga nagtatrabaho, pero gaya ng dati, basta weekend nasa Lipa kami kaya mas matitingnan ko kung ano talaga ang sitwasyon sa lugar namin,”dagdag pa ni Ate Vi.

Hiniling din niya ang sama-samang panalangin para matapos na ang problema sa COVID-19, “maski na nga si presidente sinasabi iyon ang hinihiling niya sa Diyos,”sabi pa ng congresswoman.

NATIONAL ARTISTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with