^

Pang Movies

Mikee mabigat ang napuntahang posisyon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mikee mabigat ang napuntahang posisyon
Mikee

Doon muna tayo sa isang balitang masarap pakinggan. Ang aktres at atletang si Mikee Cojuangco ay itinalaga bilang member ng executive board ng International Olympic Committee.

Si Mikee ang kauna-unahang Pilipino na nakaabot sa ganyang puwesto sa IOC. Ang tatay niya na si dating congressman Peping Cojuangco ay naging presidente lang ng Philippine Olympic Committee.

Nalinya na talaga sa sports si Mikee, kahit na nga sabihing sa Pilipinas ay mas kilala pa rin siya bilang isang artista. Kasi naman ang kanyang asawa ay ang dating PBA player na si Dodot Jaworski. Ang kanyang biyenan ay ang basketball legend na si Sonny Jaworski. Si Mikee naman ay medal holder sa larong equestrian.

Siguro nga para sa iba ay hindi iyon masyadong pansin. Lalo na nga sa panahong ito na mismo ang sports ay hindi masyadong napag-uusapan. Tigil naman kasi ang lahat ng klase ng kompetisyon dahil sa quarantine na pinaiiral sa buong mundo. Iyon nga lang pagsasanay ng mga atleta, pinag-uusapan pa kung kailan maibabalik.

In fact, kaya nga nakasama si Mikee sa meeting ng IOC ay dahil sa kanseladong Olympic Games na dapat sana ay ginaganap sa taong ito sa Tokyo, Japan, pero hindi nga natuloy dahil sa COVID. Sinasabi ngang baka pati ang kasunod pang Olympics sa Paris sa 2024 ay maapektuhan din.

Pero sa totoo lang, hindi lang mabigat na tungkulin iyang nakuhang iyan si Mikee, kundi isang malaking karangalan din para sa ating bansa. Hindi masasabing kabilang tayo sa mga maituturing na malaking bansa pagdating sa Olympics. Hindi tayo iyong naghahakot ng medalya riyan.

Aminin natin na napakalaki pa ng kakulangan natin sa pagsasanay ng mga manlalaro, pero iyong may isa sa ating mga opisyal na makarating sa executive board ng IOC, aba malaking karangalan iyan.

Sarah nakatikim ng bashing

Bina-bash nila si Sarah Geronimo. Kasi raw iyang si Sarah ay sumikat nang husto sa shows ng ABS-CBN at ang mga pelikulang ginawa niya sa Star Cinema.

Hanggang ngayon kasama pa siya sa mga shows ng ABS-CBN na inilalabas sa cable at sa internet, at kahit na sabihing bawas nga ang bayad sa kanya, kumikita pa rin siya. Pero sa kabila ng lahat ng iyan, hindi nakikita si Sarah sa mga kilos protesta upang maibalik ang franchise ng ABS-CBN.

Tahimik din siya tungkol sa issue.

Eh hindi niya tipo iyong lumalabas at nagtatatalak sa kalye eh. Hindi niya style iyon. Bakit ninyo siya pipilitin dahil lamang sa may gumagawa ng ganoon?

Aktor dating mapagbigay sa may datung

Napag-uusapan na naman ang mga escapade ng isang male star noong panahong hindi pa siya artista, noong panahong high school pa lamang siya sa isang eskuwelahan sa north of Manila. Kilalang-kilala raw siya ng gays doon na madalas hinihintay siya kung hapon sa paglabas niya sa school, o kung naglalaro na siya ng basketball sa isang court sa isang subdivision doon.

Mukhang noon ay sinasabi nilang “mapagbigay” ang male star sa mga “nakakakaya ang kanyang presyo” na hindi rin naman kataasan. Natigil lamang ang lahat nang makasali siya sa isang talent search at nang malaunan ay naging artista na nga.

Pero kahit naman noon eh, may tsismis na mayroon siyang lover na gay politician. Eh ngayon kaya talagang wala na?

MIKEE COJUANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with