^

Pang Movies

Angelica naghahamon!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica naghahamon!
Angelica

Hindi nakatiis si Angelica Panganiban kahapon.

Pinatos niya ang mga nagsasabing hindi lang naman ang mga trabahador ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho kundi milyong iba pa dahil sa coronavirus pandemic.

Kasama nga sa nawalan ng malaking kita si Angelica sa pagsasara ng ABS-CBN dahil sa pagbasura ng hinihingi nilang franchise renewal sa Congress matapos ayawan ng 70 congressman ang kanilang application.

Ayon sa Kapamilya star : “Tratuhin n’yo naman ka­ming mga tao. Kaming lahat na nawalan ng trabaho. Nawalan ng tahanan. Paano n’yo kayang sikmurain na pag tawanan ang kapwa ninyo Pilipino na nawalan ng kabuhayan? Pilipino sa kapwa Pilipino na ang naglalaban-laban. Tama pa ba ‘yon?,” unang tweet niya.

“Hindi namin ikakamatay ang masasakit ninyong salita laban sa amin. Pero, ikakamatay ng marami sa kasamahan ko at ng mga pamilya nila ang gutom na mararanasan nila sa mga darating na araw. Tapos na ang panahon para matakot,” buwelta niya.

Dagdag pa ni Angelica na umpisa sa pagkabata ay artista na ng network “Magkaiba ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Iba rin ang pinagtulungan para sa kani-kanilang pang sariling interes, kaya nawalan ng trabaho. Nakakabit pa ba mga ulo n’yo sa katawan n’yo.

“Bat ‘di po kayo magsalita? Bakit n’yo piniling manahimik? Masama ba dumakdak? Tara. Mag-dakdakan tayo,” hamon pa niya.

Kim buhay na buhay

Matapos mag-panic ang ilang malalapit kay Kim Atienza, nilinaw ng TV host na buhay na buhay siya at hindi totoong namatay matapos lumabas ang fake news na nabaril siya ng mga magnanakaw sa kanyang bahay. At ibang level dahil may pa-pictures pa ang nasabing fake news.

“Thank you for all who called to check on me. I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are worried. I have to address this fake news item now. I am very much alive and still working. kahit walang franchise, @tvpatrolabscbn2 is still on air,” umpisa ng post niya. Hanggang sinundan niya ng Bible qoute : “Psalm 18:2-3 The Lord is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge, my shield and the horn of my salvation, my stronghold. I called to the Lord, who is worthy of praise, and I have been saved from my enemies.”

Kaya talaga, ‘wag basta maniwala sa mga nababasa sa social media, maraming peke.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with