^

Pang Movies

Hindi pa tapos ang laban ni FPJ, bida sa CineMo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaksyong mga pelikula ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. ang handog ng CineMo na nag-umpisa noong Father’s Day, Hunyo 21 na tatagal hanggang July 12.

Naunang natunghayan ang Hindi Pa Tapos Ang Laban na unang ipinalabas noong taong 1994. Ginampanan ni FPJ si Carding, isang lalaking naghahanap ng hustisya para sa pagkamatay ng kanyang kapatid sa kamay ng pulitiko. Alamin kung paano niya makukuha ang hustisya kung pati ang pulis at militar ay hawak ng nasabing politiko.

Ang pelikula naman kung saan niya nakuha ang ikaapat niyang Famas Best Actor,  Umpisahan mo Tatapusin Ko ay mapapanood ngayong Hunyo 28. Kilalanin siya bilang si Sgt. Delfin Prado, isang huwarang pulis. Sa araw ng kanyang kasal, nakidnap ang kanyang mapapangasawa at pinatay ang pamilya nito ng isang nakatakas ng inmate na kanyang nadakip ilang taon ang nakakaraan. Gagawin niya ang lahat upang matugis ang sindikatong kinabibilangan ng kriminal at mabalik muli ang kanyang pinakamamahal.

Samantala, may pagkakataon namang manalo ng gift certificates sa tuwing manonood ng mga espesyal na tampok. Tandaan kung ilang beses lumabas ang mascot ng CineMo na si Bruno.

Sa mga gustong lumahok, kinakailangan muna nila i-send ang keyword na FPJ sa Messenger ng Facebook page ng CineMo at sagutin ang isang questionnaire. Matapos sagutan, maaari na nilang sabihin ang sagot sa promo question.

Bawa’t isa sa limang winners tuwing Linggo ang makakatanggap ng P1,000 E-Gift Certificate na maaaring gamitin sa supermarkets, drugstores, at ilang shopping brands. Upang malaman ang kumpletong detalye para sumali, maaaring bisitahin ang Facebook page ng CineMo.

FERNANDO POE JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with