^

Pang Movies

Mga artistang nagbalik sa taping, back to basic!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isa pang affected ng nangyayaring health crisis ay ang location ng mga taping at shooting.

Imagine, mahirap ang plane ride o barko, kaya siguro dapat ang location lang ay by land o mga puwedeng puntahan by bus. At imagine ha, gastos pa rin ng production ang mga tourist bus dahil nga dapat ay sama-sama ang mga kasali sa production dahil naka-lock-in sila. No wonder, pinalalakas nang mabuti ng mga TV network ang online shows, iyong puwede na lang gawing hindi marami ang involved na tao at eksena.

Ang mga nagsimulang mag-taping nang naka-lock in ay nagbawas na ng casting at staff, lahat ng sakripisyo ay susuungin mo talaga. Hindi puwedeng mag-demand ng magandang hotel o magreklamo sa pagkain at para ngang nag-uumpisa lahat ng artista.

Back to basic ang lahat, iyong mga panahong wala pang masyadong maarte, walang sari-sariling stylist at make-up artist at walang mga alalay. Hah hah, nice to see iyong mga nakangiwi paggising sa umaga dahil kailangang sila ang mag-asikaso sa sarili nila. Bongga.

Ibang nanghihingi ng tulong, parang nangba-blackmail na lang

Ayoko na talagang manood ng news. Parang wala nang katapusan ang mga hinaing ng mga tao na napapanood ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pumunta sa airport kung hindi naman tiyak ang flight mo at magtiis na lang na matulog sa kalye.

Ang iba namang nakarinig ng libreng pamasahe ay nagpunta rin. Nahihirapan na rin ang mga LGU sa paghahanap ng matutuluyan nila, nahihirapan na rin sa paghahanap ng sponsors para sa pagkain, at parang non-stop na ang mga problema.

At least nga, nabawasan na ng kaunti ang mga stranded, na ‘yung iba may kasama pang mga bata.

Dapat talagang salain na rin ang mga taong nanghihingi ng tulong, kasi pag napanood mo, para bang walang nagagawa ang gobyerno, aakalain mong lahat ay OFW, pero ‘yung iba sumabay lang para sa libreng sakay.

Nakakalungkot na sa mga ganitong pagkakataon, gusto na rin ng  iba na mag-play sa emotion ng tao, dahil alam nilang kakaawaan sila, kaya gustung-gusto nilang ipakitang nahihirapan sila.

Dapat talagang tingnang mabuti ang mga dapat tulungan. Huwag tayong magpadala masyado sa emotional blackmail. Huwag naman sanang manamantala ‘yung iba. Grabe. 

HEALTH CRISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with