Mga popular at notorious na Congressman, buking sa ABS-CBN hearing
Nanood na naman ako ng hearing ng Congress the other day Salve. Naisip ko na ang haba rin ng patience ng tao sa hearing dahil sa haba ng nagaganap na interpolations.
Ang tagal ng oras nina Carlo Katigbak ng ABS-CBN sa every week na hearing na ginaganap.
Siguro kung ako si Cory Vidanes, natutulog na ako sa loob ng Congress.
Masarap makinig kung mahuhusay at naiintindihan mo ang sinasabi, iyong mga articulate magsalita, maliwanag at maganda ang boses.
Nagtataka ako, ang daming congressman pero bakit every hearing, iyong pare-pareho rin ang nag-i-interpolate? Sila lang lagi ang nagtatanong? Ang iba hindi nag-a-attend? Absent? ‘Yun lang talaga ang dapat na nandun?
Malaking issue ang renewal ng franchise, at magandang nakikita sana ang congressmen kung paano sila magsalita at magpaliwanag sa mga issue.
Gaya nang nakikita mo iyong grandstanding lang, ‘yung pabibo at hindi mo maintindihan ang mga sinasabi at least, alam mo na kung sino ang merong potential na maging senador among our congressmen sa panonood mo ng hearing.
Sabi nga ni Pat P. Daza, iba ang popular sa notorious, at makikita mo iyan sa hearing ng ABS- CBN.
Pang kikay na produkto, mahina na ang benta
Alam mo na something is changing pag pati sa commercials ay pang-online na lang ang dini-deal ng products.
Madalas makukuha mong offer ay iyong online lang lalabas for a certain period of time. Siyempre mas maliit iyon, mas mababa, kaya talagang uso na sa lahat ang cost cutting.
Pati sa placement ng ads, medyo bawas-bawas na, kasi nga sa panahon ngayon, ang talagang necessity na lang ang binibili ng mga tao.
Nawala na rin ang temptations ng mga produkto na para sa tao ay hindi na ganoon kahalaga.
Kaya nga mas dumami pa ngayon ang pagkain, health products, at mga panlinis ng bahay.
Iyon ngayon ang parang hinahabol ng consumers, hindi mga product na pang-kikay lang.
Hay naku, the changes will really affect almost everything, kaya dapat, ingatang mabuti ang kinikita. Kaya, Salve, huwag na panay ang shopping. Itago muna ang mga datung.
- Latest