^

Pang Movies

Mga taga-showbiz panay ang cash advance!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong araw na ang deadline ng pag-file ng income tax at ramdam naming ang hirap sa ilang mga kaibigang nagtatrabaho sa TV dahil wala pa rin silang programang nagbalik sa ngayon.

Wala na ngang natatanggap na suweldo, gagastos pa sila ngayon sa ITR. Pero bahagi iyon ng ating responsibilidad bilang Pilipino.

Karamihan sa mga production staff na nakakausap namin ay nagka-cash advance na lang muna sila, na nabibigyan naman.

Ang iba naman ay nagdadahan-dahan sa pagka-cash advance, at baka wala na raw silang matanggap na suweldo pagda­ting ng pag-resume ng kanilang programa.

Ang ilan sa mga artists naman ay naging abala sa online selling, at karamihan sa kanila ay umalma sa sinasabing papatawan na rin ng tax ang online selling.

Isa si AiAi delas Alas sa nag-post sa kanyang Instagram account na nakiusap na huwag naman sana silang patawan ng tax.

Itong Ube Pandesal ang sinasabi ni Aiai na hindi siya nagkamali ng sinimulang negosyo dahil natutukan niya nang mabuti.

Ang pagkakamali lang daw niya sa mga nakaraan niyang food business ay ipinagkatiwala niya sa maling tao, kaya hindi rin nagtagal.

Ramona Revilla aligaga sa triplets

Sandaling naka-chat namin sa Facebook ang dating sexy star na si Ramona Revilla na sobrang masaya na sa kanyang buhay sa piling ng Amerikanong asawang si Frederick Farrell at ang anak nilang triplets na pinangalanan niyang sina Fer­siana, Frederie at Freohsyl Farrell.

Nakatsikahan siya sa radio program namin sa DZRH at doon ay ibinahagi niya kung gaano kahirap ang pag-alaga ng triplets na anak.

“When you become a mother, hindi mo na maisip kung ano yung mahirap at kung ano yung madali. Kasi may naririnig akong magulang na sinasabi nila, isa lang yung anak nila wala raw silang tulog, wala silang you know…yung taking care of the kids is so hard.

“You know what, having triplets is really really hard compared to one.

“Iniisip ko pala, kung isa sana ‘to…kasi yung pagtimpla mo ng gatas ng isa, isa na naman. Pagpaligo mo, after next, isa naman.

“Yung pini-prepare mo tatlo, three times changing the diaper, and three times the price.

“You know what, you will not know kung ano ang hirap until meron ka na,” pahayag ni Ramona.

Wala na sa isip ni Ramona na bumalik sa pag-aartista kahit minsan ay nami-miss daw niya ito.

Pero nakita raw niya sa mga anak niya ang hilig sa pagkanta at pag-arte kaya okay lang kung gusto raw nilang mag-artista.

Sa US Department of Defense nagtatrabaho ang kanyang asawa.

Ngayon ay two years na silang naka-base sa Japan dahil may tinatapos daw na project doon ang kanyang asawa.

Sa isang US School naman daw nag-aaral ang kanyang mga anak.

Lahat ay gastos ng US Department of Defense, at siya naman ay nag-aalaga sa kanilang mga anak.

RAMONA REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with