Willie tulo-laway ang mga pinamimigay
Grabe ang afternoon show ni Willie Revillame na tulo-laway ang mga nanonood sa rami nang kanyang perang ipinamimigay. Isa ako sa mga natutuwa dahil sa laki ng kanyang tulong sa mga kapus-palad lalo na sa panahon ngayong pandemya na COVID-19. At take note, kung talagang susuwertehin ka sa mga palaro tiyak na may pangkabuhayan ka.
Matagal ko nang kilala si Willie, siya ang tipo ng taong hindi gumagamit o nagdadala ng tseke kundi puro cash. At noon basta kilala ka niya, bigla ka niyang yayakapin at sabay dukot sa bulsa at sabay abot sa kamay mo, ganyan kabait na tao si Willie at hindi siya maramot, at wala siyang panghihinayang sa mga naitutulong niya sa tao. Kaya naman lalo siyang pinagpapala.
Last year noong ma-confine ako sa hospital ng almost six months, isa si Willie sa nagpadala sa akin ng tulong. Napaiyak ako noon nang binigyan niya ako ng tumataginting na P20K para sa aking hospital bill.
Salamat uli Willie R., sana pagpalain ka pang lalo ng ating Panginoon.
Salamat din nga pala sa lahat ng mga taong patuloy na tumutulong sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakaka-recover sa sakit kong liver cirrhosis. Taos-puso akong nagpapasalamat sa walang sawang tulong nina Manay Cristy Fermin, Linda Rapadas, Julie Bonifacio, sa PMPC, Boy Abunda, Ethel Ramos, Ronald Constantino at salamat din kay Kapitan Peping Cartanio ng Barangay Dita, Sta. Rosa, Laguna at sa iba pa. God bless us all!
Taos-puso naman akong nakikiramay sa pamilya ng lahat ng mga kasamahan naming pasyente sa Child Haus na pumanaw na sa sakit na leukemia. Sobrang naging malapit sa puso ko na sina Cendy Camuin, Natan Estrella, Harold Amndy at Keanu Tagay na pawang binawian ng buhay.
Maikli man ang panahon ng ating pinagsamahan, mananatili kayo sa puso ko. May the Light of Perpetual Shine unto them oh Lord! May their souls rest in peace. Amen!
- Latest