^

Pang Movies

Sonny Parsons hindi noon nalusutan ng Gapos Gang

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sonny Parsons hindi noon nalusutan ng Gapos Gang

Hindi na umabot sa kanyang ika-62nd na kaarawan on June 13 ang dating frontman ng macho group nung dekada 70 hanggang 80, ang  Hagibis na si Sonny Parsons (Jose Parsons Agilam Nabiula, Jr.) na isang Muslim. He was 61.

Ayon sa impormasyon na aming nakalap, kasama umano si Sonny sa motorcycle club na Law Enforcers Riders Association of the Philippines (LERAP) na nagtungo ng Quezon last Sunday, May 10, para sa isang relief drive. Habang sila’y nasa Tayabas, Quezon ay inatake umano sa puso si Sonny nung hapon dahil na rin siguro sa sobrang init ng panahon.

Aapela umano ang iniwang pamilya ni Sonny kung puwede itong i-cremate sa halip na ilibing sa loob ng 24 oras na siyang tradisyon ng mga Muslim.

Si Sonny at ang apat na original members ng Hagibis na sina Mike Respall, Bernie Fineza, Joji Garcia at Mon Picazo ay sumikat nang husto nung 1979 at tinaguriang local version ng American macho group na Village People na sumikat nang husto worldwide dahil sa kanilang mga classic hits tulad ng YMCA, Macho Man, In The Navy, Can’t Stop the Music at iba pa.

At bilang kasagutan, ang Hagibis ay nagpasikat ng maraming awitin na pawang komposisyon ng Pinoy rock icon na si Mike Hanopol (original member ng Juan dela Cruz Band nung dekada 60). 

Taong 1979 nang sumikat nang husto ang Hagibis sa pamamagitan ng kanilang mga classic hits tulad ng Katawan, Legs, Babae, Ilagay Mo Kid, Nangigigil, Mama Monchang, Iduduyan Kita at iba pa.

Sa limang original members ng Hagibis, tanging sina Sonny at Bernie lamang ang nagpatuloy sa pag-aartista pero si Bernie ay naunang sumakabilang buhay nung January 15, 2015 habang ang iba pang mga miyembro na sina Joji, Mike at Mon ay hinarap na ang kanilang mga personal na buhay.

Si Sonny ay nagpatuloy sa kanyang pagkanta bilang mukha ng Hagibis gayundin ang kanyang pag-arte kung saan ay nakagawa rin siya ng 29 movies na kanyang sinimulan noong1993.

Huling napanood si Sonny sa telebisyon nung 2017 nang siya’y magkaroon ng guest appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Naging true to-life drama hero rin si Sonny nang mapatay nito ang tatlo sa anim na miyembro ng Gapos Gang na nanloob sa kanilang bahay sa Marikina nung July 18, 2002 kung  saan ay iginapos siya at ang kanyang tatlong anak ng mga appliance cords at akmang papatayin na dapat ang singer-actor pero hindi pumutok ang revolver na hawak ng isa sa mga salarin. Napigilan din ang akmang pangri-rape sa dalawa niyang anak na babae.

Si Sonny ay nanilbihang konsehal ng isang distrito ng Marikina City sa loob ng isang termino. Ang Hagibis nung dekada sitenta hanggang otsenta ay branchild ng big boss noon ng Vicor Music Corporation na si Boss Vic del Rosario na siya ngayong Chairman-CEO ng Viva Group of Companies.

SONNY PARSONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with