Howie dalawang beses nang nag-nega sa covid test
Thankful si broadcast journalist Howie Severino dahil dalawang beses na siyang nag-negative sa test sa COVID-19. Isa si Howie sa nag-positive sa nasabing sakit at matapos makibaka sa hindi nakikitang ‘kalaban’, gumaling at nakalabas na sa hospital. Bilang pagsunod sa DOH, nagpa-test siya muli ng dalawang beses at parehong negative ang lumabas sa tests niya. Masaya si Howie na pwede siyang mag-donate ng kanyang plasma. “My two antibodies tests showed that I have these anti-viral warriors in my blood, making me eligible to donate plasma to gravely ill patients to improve their chances of survival.”
Ang maganda, pwede palang ilang beses mag-donate ng plasma ang isang gumaling sa COVID-19 kaya marami silang matutulungang pasyente. Nauna na nga kay Howie na nag-donate ng plasma ang dramatic actor na si Christopher de Leon.
Nora naubusan na ng panonoorin
Nagkaroon kami ng chance makumusta si Superstar Nora Aunor ngayong nasa bahay lamang siya dahil sa enhanced community quarantine ay hindi sila makapag-taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Network.
Happy siya na ni-replay ng GMA-7 ang primetime series nila noon na Onanay with Jo Berry, Cherie Gil, Wendell Ramos at youngstars Mikee Quintos at Kate Valdez. Paano niya pinalilipas ang oras dahil wala nga siyang work ngayon?
Manood daw ng Netflix at biro niya, ubos na raw lahat ang gusto niyang panoorin, cartoons at anime na lamang ang hindi niya pinapanood. Minsan, nagluluto siya, at ano raw ba ang alam niyang lutuin kundi bicol express, sinigang na baboy, itlog na may sibuyas at kamatis, nilagang baka, gulay. Pero dasal din niyang matapos na ang pandemic na nararanasan natin at gumaling na ang mga nagkakasakit.
- Latest