^

Pang Movies

Pokwang ayaw padaig kahit wasak ang puso

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pokwang ayaw padaig kahit wasak ang puso

Isa ang ABS-CBN comedian/director na si John “Sweet” Lapus sa napakaraming Kapamilya talents/employees na emotional kaugnay ng pagsasara ng Kapamilya network noong Tuesday dahil sa cease and desist order na in-issue ng NTC (National Telecommunications Commission).

Kahapon, mag-uumaga na ay hindi pa raw siya makatulog. Post ni Sweet, “Lord, sure ako madami kaming Kapamilya na di makatulog now at aligaga. Pls calm us.”

Sabi naman ni Sweet sa mga “anak” niya sa network na magdasal at kung hindi kaya ang sitwasyon dahil sa pagpapasara sa kanilang pinakamamahal na TV network ay punta lang daw sa bahay niya.

Post naman sa Facebook ng Kapamilya comedienne na si Pokwang, “Hindi dito magtatapos ang LABAN!!! Babalik ang ABS-CBN ng mas malawak, mas matatag, mas matapang!! Wasak ang puso ng karamihan samin pero di nyo kami matitinag! Hanggang sa muli, pahinga ka muna kapamilya hugot ka ng lakas at muling babangon.”

Kahit mga ordinaryong tao na wala namang direktang kinalaman sa ABS-CBN ay sobrang emotional sa kanilang pagsa-sign-off noong Tuesday night after ng airing ng TV Patrol.

Assunta aminadong pumalpak sa IVF

Nilinaw ni Assunta de Rossi na hindi IVF (in vitro fertilization) ang kanyang ipinagbubuntis. ‘Yung pagpapa-IVF nga niya before, pumalpak.

Pero itong pagbubuntis nga niya, sinasabi niyang miracle dahil natural way ito. Sabi pa ni Assunta, basta healthy ang magiging baby niya, ok lang sa kanya kahit na ano pa ang gender.

Sobrang saya nga raw sila ng mister niyang si former Congressman Jules Ledesma. Sabi pa ni Assunta, sana nga raw, hindi lang isa ang maging anak niya. Sana raw ay masundan pa.

Sobrang excited naman ang pamilya ni Assunta na nasa Martano, Italy.

Nakausap ko ang parents niyang sina Luigi at Nenita Schiavone at bunsong kapatid na si Isabel at sinabi ng mga ito na excited na sila na magkakaroon na ng anak si Assunta.

Sabi ni Mommy Nenita, ok lang sa kanya na tawagin siyang lola ng magiging anak ni Assunta.

At kahit almost 18 years palang nag-try si Assunta na mabuntis, hindi pala nawalan ng pag-asa ang kanyang parents na magkakaapo ang mga ito sa kanya.

‘Yun na!

JOHN LAPUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with