MOWELFUND mamimigay ng ayuda sa mga miyembro
Tinatawagan ng MOWELFUND ang lahat ng members nila, active or inactive man. Ipinaaalam nina Ms. Boots Anson Rodrigo at Rez Cortez, mga namamahala ng nasabing samahan na itinayo ni dating President Joseph Estrada, na magbibigay ng ayuda at cash assistance sa mga miyembro, bilang bahagi ng programang Mowelfund Cares/COVID-19 Alleviation and Recovery Enhancement Support.
Walang gagawin ang mga miyembro kundi makipag-ugnayan sila sa Mowelfund office, tumawag lamang sa (02) 8727-1961 or sa Globe cellphone no. 0977-690-4434 or sa Smart cellphone no. 0961-580-1896.
Wala namang requirement, basic information lamang like name and address ang ibibigay ninyo kapag tumawag kayo sa opisina.
Pinoy frontliners pinupuri sa Brazil
Dumarami ang mga bansa kung saan may mga Pilipinong nagtatrabaho, lalo na ang doctors and nurses or other health workers, na puring-puri ang ating mga kababayan dahil sa mahusay nilang paglilingkod. Isa ang bansang Brazil sa nagpasalamat sa kanila at nagpasalamat din naman ang isa nating kababayan na nag-post ng picture nito. “Thank you Brazil for honouring the Philippines and Filipino doctors by putting the Philippine flag and doctors’ coat and stethoscope with ‘SALAMAT’ on Christ The Redeemer (Cristo Redentor) in Rio de Janeiro, Brazil.”
Napakataas ng statue ng Cristo Redentor, 38 meters ang taas, overlooking the whole of Brazil.
Maine gusto nang mag-quit sa showbiz
May isa palang dream si phenomenal star Maine Mendoza na natupad na. Sa last interview sa kanya ng MYX Ph. as MYX Celebrity DJ for April para sa first single niyang Parang Kailan Lang ng Universal Records Ph, naitanong sa kanya kung ano ang gusto pa niyang ma-achieve pagkatapos ng marami na niyang mga achievements na nagawa simula nang pumasok siya sa showbiz in 2015? “Mag-quit sa showbiz,” biro ni Maine. “Joke lamang iyon. Pero gusto kong magsulat ng script ng pelikula, the truth is, meron na akong nagawang movie script, isang romantic-comedy movie, kasi, doon ako nasanay simula nang pumasok ako sa Eat Bulaga, iyon ang comfort zone ko. Happiest moment ko nang matapos ko ang script. Sana mai-produce iyon, at makita ko sa credits na ‘screenplay by Maine Mendoza, directed by Maine Mendoza.”
We’re sure Maine, na matutupad ang dream mo. Just asking, ano ang title ng movie script na sinulat mo?
- Latest