VG pa naman... Depensa sa pagtawag ng traydor at pagkampi sa China, Imelda wala raw malay sa diplomatic protest
Nakausap nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa radio program nila sa DZBB si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin. Kaugnay ito ng music video ng Nag-iisang Dagat kung saan isa siya sa naging bahagi.
‘Yun nga lang, umani ng batikos mula sa netizens si Vice Gov. at may tumawag pa sa kanyang traydor sa bansa.
Ayon kay Imelda, siya ay tinawagan ng Chinese embassy sa office ng Chinese ambassador na gumawa ng kanta, nilapitan at pinakiusap na i-interpret ang cue line sa Tagalog portion.
“Tapos, bakit ako? Marami silang pinagpiliang singers. Si Imelda Papin ang pinili nila. Maganda naman ang lyrics. It’s all about tulungan sa panahong ito. Pagkakaisa sa pagtulong. Hawak kamay sa magandang kinabukasan.
“It’s all about pagmamahalan sa isa’t isa. Paglaban sa kinahaharap nating problema,” bahagi ng pahayag ni Vice Gov.
Saad pa niya, hindi siya aware sa diplomatic protest na isinampa ng bansa laban sa China dahil sa South China sea.
“Walang malisya at all. Pagkakaisa ang advocacy ko. Bakit hindi kung makakapagbigay ako ng inspirasyon?” rason pa niya.
Deklara ni VG Imelda sa bumabatikos sa ginawa niya, “To be honest hindi ko alam kung ‘yon ay propaganda nila.
“Sa akin, good intention…
“Libre ito. Walang pera!
“Hindi naman puwedeng magtraydor sa bansang Pilipinas! Hello! Mali naman siguro ang word na ‘yon. Eversince nagbibigay naman ako ng karangalan sa bansa dahil sa pag-awit ko!
“Pilipino ako. Siyempre ang katapatan ko ay nasa ating bansa!”
- Latest