^

Pang Movies

Boobay at Allan K. sanib-puwersa sa pag-ayuda sa taga-comedy bars

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Boobay at Allan K. sanib-puwersa sa pag-ayuda sa taga-comedy bars

Ang komedyante namang si Boobay, since break muna siya sa Sunday evening show nila ni Tekla na The Boobay at Tekla Show, mga frontliner at staff ng comedy bars naman ang napili niyang tulungan dahil nawalan sila ng trabaho sa umiiral na enchanced community quarantine ngayon.

Kasama ang ilang kaibigang komedyante rin, katuwang nila si Allan K., nagri-repack sila ng mga biskwit, kape, at mga delata na ipinamimigay nila sa mga kasamahan nila.

Kapuso stars nag-iipon ng ipamimigay na bigas

Patuloy pa ring naghahatid ng Serbisyong Totoo ang Kapuso stars ng GMA Artists Center (GMAAC) sa ating mga kababayan. Bumuo sila ng Project RICE Up na tutulungan nila ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine (ECQ). 

Gusto nilang mabawasan ang bilang ng mga nagugutom at sa pamamagitan ng kanilang proyekto malaki na ang pondo nila para makabili ng mga sako-sakong bigas para maipamahagi sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan. 

Kaya naman kung mayroon sa inyong gustong mag-donate, bisitahin lamang ang link na https://ticket2me.net/e/6520/tickets.

Maine tuloy ang pagtulong sa frontliners

Pinasalamatan naman ng Municipal Director of Sta. Maria, Bulacan si Maine Mendoza dahil ang kanilang McDonald’s MaineDeiCorporation ang nagpakain ng Sta. Maria, Bulacan frontliners and repacking team. Mula ito sa limang branches nila sa Sta. Clara, Pulong Buhangin, Sta. Maria, Muzon (San Jose del Monte) at Caypombo branches.

Mavy may ‘Something New’ para makapag-donate

Sarili namang idea ni Mavy Legaspi, isa kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, kung paano siya makakaipon ng donasyon na ipinangtutulong niya sa mga frontliner.  Through social media, bumuo siya ng “Something New” dance challenge sa mga kasama niya sa industriya na ang bawat sasali ay tatapatan niya ng Php 1,000 ng sarili niyang pera.  Ilan sa mga Kapuso star na sumali ay sina Ruru Madrid, Andre Paras, Gabbi Garcia, Miguel Tanfelix, Kate Valdez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, EA Guzman, Valeen Montenegro, Ysabel Ortega, Klea Pineda, Mark Bautista at marami pang iba. Sa una pa lamang ay nakabuo na si Mavy ng Php 30,000.

vuukle comment

BOOBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with