^

Pang Movies

Bianca Yao... Gamer na dyowa ni Alden, nagsalita na!?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bianca Yao... Gamer na dyowa ni Alden, nagsalita na!?

Ang kapwa gamer na si Bianca Yao ang nali-link kay Alden Richards ngayon at sa video ni Bianca na napanood namin, nabanggit nitong may friends siya na pinayuhan siyang ihanda ang sarili sa matatanggap na bashing mula sa ilang AlDub fans.

Paliwanag ni Bianca, walang dapat ikagalit ang ilang AlDub fans dahil there is nothing going on between her and Alden. Napag-uusapan lang daw nila minsan ng kapwa gamer friends niya si Alden, ‘katuwaan lang, pero wala ‘yun.

Hindi mabanggit ni Bianca ang pangalan ni Alden sa kanyang video at ang sabi lang, yung tao sobrang bait at ‘di lang ako ang sinusuportahan niya, kaya ‘wag lagyan ng malisya.”

Kung may kokontra man sakaling maging item sina Alden at Bianca, may mga pumapabor sa kanilang dalawa. May nag-comment na bagay sila ni Alden at may nagta-tag na kay Alden sa mga comment nila sa IG ni Bianca. Ang iba nga, may naisip ng pangalan sa love team nina Alden at Bianca ito ay Alcake” na mula sa pangalan ni Alden at account name ni Bianca sa socmed na slice of biancake.” 

Maganda si Bianca at magkakasundo sila ni Alden dahil pareho ngang gamers.

Si Bianca Yao na kaya ang girl na hinahanap ni Alden para mahalin at mahalin din siya?

Speaking of Alden, hindi pa pala tumatanggap ng diners ang McDonald’s niya sa  Bi?an Highway na nasa Sta. Rosa, Laguna. Deliveries, take out at drive-thru pa lang ang pwede at saka, operational lang sila mula 7:00am hanggang 2:00pm. Nagpasalamat ang ama ni Alden sa mga nag-drive thru na sobrang haba ang pila ng mga sasakyan. Para sigurong grand opening ng McDo kapag pwede nang tumanggap ng diners sa loob sa rami nang kakain.

Sarah hindi pa rin nakakasama ang sariling pamilya

Naka-post sa Instagram (IG) ng sister ni Matteo Guidicelli na si Glenna Guidicelli ang Easter activity ng kanilang pamilya na of course, kasama si Sarah Geronimo. Sumali si Sarah sa egg painting na yearly ginagawa ng pamilya nina Matteo.

Family tradition din yata ng mga Guidicelli na may bowl ng grapes sa kanilang pagkain dahil may photo na nagsusubuan ng grapes sina Matteo at Sarah at sa harap nila.

And of course, salu-salo ang Guidicelli family sa breakfast o lunch yata ‘yun at may picture pa ng groupie kasama ang husband ng sister ni Matteo at si Sarah.

Marami ang naglu-look forward na sana, dumating ang araw na kasama naman nina Sarah at Matteo sa litrato ang pamilya ni Sarah at sana, malapit na ‘yun. Siguradong mas sasaya sa kanyang buhay may asawa si Sarah kung magkasundo na ang pamilya niya at pamilya ni Matteo.

BIANCA YAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with