^

Pang Movies

‘Hindi panahon para magpasikat at magturo’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ewan ko kung panahon ito ng finger pointing Salve. Ewan ko kung dapat ngayon magturuan kung sino ang dapat magtrabaho o iyon walang ginagawa.

Hindi porke madalas sa TV at sa radio o sa social media, iyon lang ang kumikilos.

No, no, no. Actually mas impressive pa nga iyon ibang provincial mayors na hindi nababalita, basta trabaho lang para sa bayan nila.

Iyon mayor na nag-donate ang isang buong taong suweldo niya para sa calamity fund, iyon mayor ng Benguet na tumanggi sa ayuda dahil meron silang sapat na pagkain at gamot, at ipinabigay sa ibang city iyon para sa kanila dahil baka mas kailangan ito, iyon ibang mayor na personal na pera na nila ang ginagasta.

Marami ang tahimik lang sa ginagawa nila, hindi nagmi-media, pero nagtratrabaho.

Sabi ko nga, after this, dun lalabas iyon mga tunay na bayani, iyon talagang trabaho ang hinarap, iyon hindi nakunan ng media dahil tahimik ang trabaho.

Huwag natin gawin political issue ito, isa itong calamity sa buhay natin na dapat seryoso at hindi grandstanding. Huwag gamitin para stepping stone sa eleksiyon. Just work , no finger pointing, walang grandstanding. Totoo mula sa puso, isipan at gawa.

‘Patience is a virtue!’Iyon combative stance at acting entitled ng ilan sa panghihingi ng tulong ang kung minsan ay nagiging dahilan ng kaguluhan.

Totoo iyong sinasabi na walang problema basta meron lang pagkain, meron relief goods na natatanggap, pero iyon reklamo na nagiging dahilan para ma-agitate ang mga tao iyon ang hindi maganda.

Sabi nga baka iyon P270 billion na pondo ng gobyerno ay maubos agad at baka maging dahilan ng unrest pag wala nang gagastahin para ibigay.

Maiinis ka nga kung nakikita mo iyon iba na nabigyan na tapos wala pa dumarating sa iyo. Alam ko iyon feeling of frustration, pero iyon nga, kailangan you endure it habang kaya mo pa dahil pag nag reklamo ka ikakalat ng negative feeling mo iyon sa iba at chain reaction na iyon.

Hintay lang, patience is a virtue, hintay habang kaya at paniwala ko naman may darating, andiyan iyon pera, walang problema , iyon sistema lang ng pagbibigay ang nagtatagal. Wait lang.

CALAMITY FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with