^

Pang Movies

Sikat na broadcaster na-bembang sa pagiging tsismosa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Na-bembang pala ang isang sikat na broadcaster sa pagiging tsismosa at ma-epal.

Tinanggal na raw nito ang post niya kasama ang bagong mag-asawa na binuko niya kung saan siya nakatira.

Nasita raw talaga ang sikat na broadcaster kaya tinanggal ang nasabing post kung saan pinakiusapan na pala siyang ‘wag ‘yun i-post.

Actually ang daming kuwento tungkol sa sikat na broadcaster ha.

Pinay actress nagbida sa International series

Patutunayan ng Filipina actress na si Samantha Richelle na walang uurungan ang mga kakabaihan sa pagbida niya kasama ang American actor na si Christian Kane sa international series na line produced ng ABS-CBN na Almost Paradise, na mapapanood simula ngayong Marso 30 sa US cable channel na WGN America.

Gaganap si Samantha bilang si Kai Mendoza, isang babaeng pulis na sasabak sa iba’t-ibang misyon para patumbahin ang mga makapangyarihang sindikato ng droga.

“She can pretty much do it all. She is a tough cookie. She wants to constantly prove herself. In the end you’ll get to see how we’ll work together,” sabi ng babaeng bida nang ilarawan niya ang kanyang karakter.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring sikat na fashion designer at influencer si Samantha na may sariling clothing line.

Samantala, matutunghayan din sa Almost Paradise ang mga kilalang bituin gaya nina Arthur Acuña, Ces Quesada, Angeli Bayani, at Nonie Buencamino.

Tunay na angat din ang talentong Pinoy sa palabas dahil mahigit 100 na Pilipinong aktor ang lumahok sa international series.

SAMANTHA RICHELLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with