^

Pang Movies

Mang Ramon, sabong pa rin ang libangan sa edad na 93

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mang Ramon, sabong pa rin ang libangan sa edad na 93
Ramon

Naging emosyonal si former Senator Ramon Revilla Sr. kahapon habang nagpapasalamat sa rami ng bumati sa kanyang kaarawan on Sen. Bong Revilla’s Facebook Live.

Nag-FB live si Sen. Bong habang ipinagdiriwang ang ika-93 kaarawan ng kanyang ama kahapon sa kanilang Cavite mansion. Ipinabasa ng aktor/politiko ang libu-libong live birthday messages na dumarating na ikina-touch naman ng matandang Revilla.

Naka-wheelchair na ang tinaguriang Agimat King at kahit hirap na hirap magsalita, naiiyak niyang pahayag, “ang dami na (bumabati)! Ginugulat n’yo ako. Salamat po. Hindi ko alam na ganyan pala ako kasikat.”

Ayon kay Sen. Bong, ang libangan daw ngayon ng kanyang ama ay magsabong tuwing Sabado.

“Kagabi, nagpa-derby siya. Sa lahat ng nag-participate, thank you very much,” sey ni Sen. Bong.

Nakakatuwa rin dahil kinantahan pa ni Sen. Bong ang ama at mga bisita ng Kamusta Ka ni Nonoy Zuñiga.

Ang ganda ring tingnan ng pagsasama-sama ng mga Revilla’s sa nasabing okasyon at ang pagmamahal ng magkakapatid sa kanilang ama.

Friends lang ba talaga? Seth at Andrea maraming ipinagbabawal sa isa’t isa

Ang lakas talaga ng kilig factor nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes. Nagsisigawan nga sa kilig ang audience nang mag-guest sila sa Magandang Buhay kamakailan at pati ang mga hosts ay kinikilig din lalo na si Melai Cantiveros.

At one point ay nadulas nga si Melai na protective boyfriend daw si Seth kay Andrea pero kaagad niya itong kinorek na protective raw na kaibigang boy.

When asked kung paano pa nagiging protective si Seth sa kanya, sagot ni Andrea,  “ay grabe! Minsan po, daig pa niya sina Mama.”

She cited an example na minsan daw ay naka-short siya pero pagkapasok na pagkapasok niya sa dressing room ay pinagpalit daw siya ng damit ni Seth.

“Kasi maigsi raw ang short ko. Nagpalit na lang po ako ng jeans,” kwento ni Andrea.

Kaya raw lagi na lang daw siyang naka-jeans.

Panunukso nina Melai kay Andrea, hindi niya susundin si Seth kung hindi niya ito love. Sigawan tuloy ang mga tao.

Nang matanong namin kung may ibinabawal din ba si Andrea kay Seth, sagot ng young actor, “ang ibinaba­wal niya sa akin, bawal ako mag-motor nang hindi naka-helmet. Tama naman ‘yun na mag-helmet ako.”

Pero pati raw ang pagsusuot ng shades pag naka-motor siya ay ipinagbabawal din sa kanya ni Andrea at gusto nga ay naka-helmet lang siya.

Paliwanag naman ni Blythe (real name ni Andrea), pag naka-shade lang daw si Seth ay kitang-kita ang mukha nito at baka madaming makakitang tao.

Hirit ni Seth, “gusto mo lang, ikaw ang makakakita.”

Sigawan ulit.

“Delikado kasi,” paliwanag na naman ni Andrea.

In fairness, ang cute nilang dalawa’t talaga namang bagay na bagay sila.

Tanong ni Melai sa dalawa, “so, boyfriend or friend na boy?”

Sagot ni Seth, “special friend.”

Natawa kami sa hirit ng isa pang host na si Karla Estrada. Sey niya, “after 5 years, aamin din ‘yan.”

Matatandaan kasing sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay umamin lang nun’g 5 years na silang magjowa.

And this early nga ay kitang-kita na parang ang SethDrea ang sumusunod sa yapak ng KathNiel dahil ganyang-ganyan sila noong nagsisimula pa lang lalo na nga si Seth na kung kumilos at umasta ay Daniel na Daniel.

Pati nga kung paano niya kausapin si Andrea, parang nakikita namin si Daniel kay Kath at marahil ay ito rin ang nakikita ni Karla habang pinagmamasdan ang dalawa.

Anyway, sa ngayon kasi ay mga bata pa sina Seth at Andrea kaya tama lang naman na huwag muna silang magmadali at magseryoso sa relasyon. Okay na lang muna ‘yang ganyang they care about each other pero wala munang seryosong relasyon.

 

RAMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with