^

Pang Movies

Drama ni Direk Joel, masusubukan sa summer

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang producers at directors na nag-attend ng announcement ng 1st Summer Metro Manila Film Festival na ginanap sa Novotel Manila in Ara-neta City last Monday afternoon.

Bago ang announcement ng eight official entries, isa rin iyong appreciation merienda cena para sa winners ng katatapos na 45th Metro Manila Film Festival last December, 2019.  Tinanggap ng winners ang cash prizes na napanalunan nila sa iba’t ibang kategorya.

Pinalakpakan ang bawat isang pelikulang napili mula sa 24 movies na naisumite sa Screening Committee ng 1st Summer MMFF, na mukhang karapat-dapat ang bawat isang napili.

Isa nga sa nakausap namin si Direk Joel Lamangan na ang entry nila ng Heaven’s Best Entertainment, Inc. na Isa Pang Bahaghari ay isa sa napi-ling entry. Produced ito ni Harlene Bautista kung saan tampok sina superstar Nora Aunor, kasama sina Phillip Salvador, Michael de Mesa, Sanya Lopez at Zanjoe Marudo. 

Isang family drama ang kuwento nito at iyong mga nagkaroon na ng chance na mapanood ito ay nagsabing napakaganda ng movie.

Isinali na ito ng Heaven’s Best Entertainment, Inc. last December sa Metro Manila Film Festival (MMFF) pero hindi napili ng Screening Committee. 

Ano ang feeling ni Direk Joel na ngayon ay kasama na sila sa 1st Summer MMFF? “Sabi ko, pang-summer pala si Ate Guy, hindi Pamasko,” biro ni Direk Joel. “Pero masaya kami nina Harlene at ni Dennis Evangelista dahil napili kami. At napansin naming magaganda ang mga entries ngayon. Iba pa rin kapag buo nang napapanood ng Screening Committee ang pelikula. Kaya salamat, salamat.”

Siyempre pa ay hindi mo na ipagtatanong ang acting ng tatlong bida ng pelikula, sina Ate Guy, Kuya Ipe at si Michael na muling gaganap na isang beki sa story.

Based sa trailer, napakaganda ng cinematography, lighting, at musical arrangement ng movie, at ang aktingan, wala kang itutulak-kabigin, kahit maikli lamang ang ipinakita nilang trailer.

Magsisimulang mapanood ang 1st Summer Metro Manila Film Festival sa April 11, hanggang sa April 21, 2020 in cinemas nationwide.

Barbie nakahanap ng ‘kapatid’ kay Kate

Happy si Barbie Forteza na may bago na naman siyang best friend, si Kate Valdez, ang kasama niya sa Anak ni Waray VS. Anak ni Biday.

Wala raw kasi siyang sister, dahil naka-based na ang Ate niya sa Chicago, USA at may asawa na rin ito.

“Maganda po ang bonding namin dahil best of friends ang characters namin, si Ginalyn ako at siya naman si Caitlyn,” kuwento ni Barbie. “Ewan ko lang kung masisira ang friendship namin dahil iisa ang nagustuhan naming guy. Paano kung malalaman pa namin na magkapatid pala kami? Kaya salamat po sa sumusubaybay sa amin gabi-gabi.”

1ST SUMMER METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with