^

Pang Movies

Klea nag-throwback sa pagiging prom queen!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Klea nag-throwback sa pagiging prom queen!
Klea

Prom season na pala at isa sa nag-throwback sa kanyang pagiging isang Prom Queen ay ang Kapuso star na si Klea Pineda.

Kuwento ni Klea na ilang buwan daw niyang pinaghandaan ang kanyang prom at naging sulit ang lahat nang makoronahan siya ng gabing iyon.

“Excited kasi siyempre kapag first time mo namang magpa-prom ‘di ba? Kinarir talaga namin ng parents ko,” pag-alala ni Klea sa suot niyang pink and black prom gown.

Nagbigay tuloy ng ilang tips si Klea para sa mga first time pa lang na a-attend ng kanilang prom.

Una ay huwag ka raw sasabay sa kung ano ang usong kulay or style ng gown para standout ka. At importante raw ay kumportable ang suot mo, mula sa gown hanggang sa sapatos

“’Di ako sumabay sa uso. It’s more on idea ko and ‘yun gusto ko.

“Pumili kayo ng gown na kumportable kayo. Number one ‘yun kasi ‘yan ‘yung susuotin mo buong gabi. ‘Yan ‘yung susuotin mo the whole day, actually.

“Pati ‘yung heels n’yo kailangan kumportable talaga kayo,” payo pa ni Klea para maging confident at magkaroon ng chance na matanghal na Prom Queen.

Mayor Isko isa sa People of the Year 

Maraming mga taga-Manila ang natuwa dahil sa pagkakasama ni Manila Mayor “Yorme” Isko Moreno bilang isa sa People of the Year 2020 ng People Asia magazine.

Naganap ang parangal na ito noong nakaraang February 20 at ayon sa People Asia, isang inspirasyon ang buhay at achievements ni Yorme Isko na puwedeng kunan ng aral ng mga gustong pasukin ang mundo ng pulitika.

Deserving nga si Yorme Isko sa parangal ng People Asia dahil sa unang araw pa lang ng kanyang pag-upo bilang Mayor ng Manila, marami na siyang naayos na problema ng siyudad, na ngayon ay isa sa mga gustong pasyalan ng maraming turista.

“This mayor is a man of the people, chosen by the people. His journey from garbage boy to matinee idol, from councilor to one of Manila’s most beloved mayors, didn’t happen through magic. From lighting up Jones Bridge to restoring peace and order in Manila, we have only this man to thank,” ayon sa IG ng People Asia.

Ang iba pang pinarangalan ng People Asia ay sina Gary Valenciano, Lea Salonga, Kathryn Bernardo, Michael Cinco, Sen. Sonny Angara, Benedicto Cabrera, Chef Jessie Sincioco, Sheila Romero, Dr. Henry Chusuey, Myrna Yao, Sec. Berna Romulo Puyat, Takashi Oya, Alice Eduardo, and Andrew Tan.

Modern Family tuloy na ang ending

Pagkatapos ng 11 seasons and 250 episodes, nagpaalam na ang buong cast ng Modern Family sa studio na kanilang pinagtrabahuhan for 11 years.

Noong makunan na ang last scene at sinigaw ng director na “That’s a wrap!” doon na raw nag-iyakan ang buong cast na binubuo nila Sofia Vergara, Ed O’ Neill, Jesse Tyler Furgeson, Eric Stonestreet, Julie Bowen, Ty Burrell, Ariel Winter, Sarah Hyland, Nolan Gould, Rico Rodriguez, Jeremy Maguire, Aubrey Anderson-Emmon and Reid Ewing.

The Modern Family series finale will air on ABC in April.

KLEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with